TATANGGAP NG lifetime achievement awards mula sa Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) sina Senator Lito Lapid at ace cinematographer na si Romy Vitug sa 29th PMPC Star Awards for Movies ngayong Linggo, March 10, na gaganapin sa AFP Theater, Camp Aguinaldo, Quezon City.
Si Senator Lito ay gagawaran ng pinakamataas na karangalan sa nasabing Gabi ng Parangal bilang Nora Aunor ULIRANG ARTISTA Lifetime Achievement Award, samantalang si Mang Romy naman ay pagkakalooban ng Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera, also a lifetime achievement honor.
Hindi matatawaran ang “nilakbay” ng isang Lito Lapid sa industriya ng Pelikulang Pilipino, at remarkable ang kanyang achievements and body of work as an artist.
Mula sa pagiging film technical crew (caretaker ng camera), naging movie extra, naging stuntman/stunt instructor , hanggang sa na-discover na ni Pablo S. Gomez at ito ang nag-recommend kay Jessie Chua upang ilunsad as an action star sa Jess Lapid Story (1978), pagkatapos mag-extra mula pa noong 1961.
Minahal ng masa ang isang Lito Lapid as a box-office action superstar, with a string of blockbuster action movies na ikinasikat niya nang husto, the biggest hit was Leon Guerrero.
Nakasama rin niya sa pelikula ang big names in the industry: with Fernando Poe, Jr sa Kalibre .45, with Nora in Kastil-
yong Buhangin, with Vilma Santos in Yakapin Mo Ako Lalaking Matapang, with Dolphy in Da Best In The West (two parts), etc.
Naka-more than 100 films na siya, and matagal nang nao-overlook ang pagiging artista – a big star at that. And naging film producer rin.
Outside showbiz, naging vice governor, then governor, of Pampanga. Hanggang sa naging isang Senador ng Republika, at tahimik lamang itong naging author ng maraming batas, hindi lamang siya mahilig sa “publicity”.
So, from his humble roots sa showbiz to becoming a senator, karapat-dapat lang siyang gawaran ng highest honor na ito mula sa PMPC.
AS FOR Romy Vitug naman na lifetime achievement awardee rin ng PMPC (technical crew, directors, producers), hindi rin matatawaran ang kanyang naging kontribusyon sa larangan ng cinematography.
Hindi na mabilang ang napakaraming pelikulang siya ang cinematographer, more than 20 plus awards, nakatrabaho ang pinakamabibigat na director ng industriya, at mga pinakasikat na artista.
Previous awardees ng Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera (sinimulan ng PMPC noong 2009 lang): Mother Lily Monteverde, Carlo Caparas, at Marilou Diaz-Abaya (noong nabubuhay pa ito noong early 2012, at ang anak na si Marc Abaya ang tumanggap).
Congratulations and salute to Senator Lito Lapid and Mr. Romy Vitug!
Mellow Thoughts
by Mell Navarro