“HINDI TOTOO ‘yang OWWA Reintegration Program na ‘yan. Noong Agosto 2011 pa ako nag-apply ng loan diyan pero hanggang ngayon wala pang nangyayari. P10,000.00 lang ang inaaplayan ko.”—Jenny ng Pasig City
“NOONG SEPTEMBER 2011 pa ako nag-seminar sa DTI-OWWA para makapag-apply ng loan para sa maliit kong negosyo. Hindi pa rin naaprubahan ang application ko hanggang ngayon!”—Lester ng Antipolo City
“ANG BALITA ko’y P2 Bilyon ang pondo para sa Reintegration program ng OWWA. Ilan na ba ang aktuwal na nabiyayaan?”—Lindy ng Dumaguete City
“IISA LANG ang naaprubahang loan dito sa Bulacan. At ito’y ‘yung kapitbahay ko na nag-collateral ng bahay at lupa na nagkakahalaga ng P10 Milyon. Paano naman kaming walang pang-collateral?”—Jun ng Plaridel, Bulacan
AYON SA ulat ni Administrator Carmelita Dimzon ng OWWA, mula nang simulan ang programa hanggang ngayon, naaprubahan na nila ang halos 200 application na nagkakahalaga ng P100 Million. Aalamin pa namin kung ano ang detalye nito — kung saan at kung anu-ano ang proyektong pinuntahan. Kayo na rin ang humusga kung malaki o maliit ang naaprubahang halagang ito.
Madalas ko ring sabihin dito sa aking kolum na sana ay makagawa ng bagong sistema ang OWWA para mapabilis ang processing ng nasabing mga loan application. Maaari sigurong bawasan ang ilang requirements para agad ma-avail ng OFW ang programa. Nakiusap na rin ako kay Administrator Dimzon na hangga’t maaari ay alisin na ang requirement para sa collateral.
LIBRENG PAYO! I-TEXT N’YO AT SASAGUTIN KO! PM <space> saklolaw <space> ang inyong katanungan at i-send sa 2948 (for Globe, Smart and Sun users). E-mail: [email protected].
Ayuda sa OFW
By Ome Candazo