WALANG kaugnayan sa isyu ng mga sikat na social media influencer na nagbangayan online ang pelikulang Livescream na pinagbibidahan ni Elijah Canlas na mula sa panulat at direksyon ni Perci Intalan. Ayon sa direktor, matagal nang tapos ang pelikula bago pa nagkaroon ng isyu sina Wilbert Tolentino at Zeinab Harake.
Epal na social media influencer na mahilig mag-prank ang role ni Elijah sa Livescream. Pero in real life ay hindi raw niya pina-follow ang mga sikat na influencers.
Pahayag ni Elijah, “I don’t really follow influencers, but I do follow some vloggers mas international, mga friends from the industry also. Siyempre, susuportahan mo yung vlogs nila but I do really respect their jobs and careers.
“Hindi ko nga lang kayang gawin yung ginagawa nila. Sa totoo lang gusto ko pero ibang level din ng skills, eh. I do respect them pero it’s not siguro for me lang.”
Kaya rin daw ayaw niyang pasukin ang pagiging influencer ay dahil bina-value niya ang kanyang privacy.
Ang Livescream na isang suspense thriller ang itinuturing ni Elijah na most physically at mentally draining na pelikulang ginawa niya. Naka-topless din siya sa karamihan ng mga eksena sa pelikula. Na-surprise din kami na meron pa siyang butt exposure dito na first time rin niyang ginawa.
“Hindi ko naman gagawin yon kung hindi kailangan sa eksena. At saka ipinaalam ko ito sa parents ko even sa girlfriend ko (Miles Ocampo).
“I’m so glad that they were all very supportive. Aside from that nandun yung tiwala ko kay Direk Perci na hindi niya ako pababayaan,” wika ng aktor.
Kasama ni Elijah sa Livescrean ng IdeaFirst at Viva Films sina Kat Dovey, Luis Mercado at Phoebi Walker. Mapapanood ito sa Vivamax sa Nov. 9.