Bilib kami sa pagiging open nina Aiza Seguerra at Liza Dino sa kanilang pagmamahalan.
Kung hindi ako nagkakamali, sila lang yata ang sa mga showbiz personalities natin na kabilang sa LGBT community na very open at positibo ang pananaw sa ganitong klaseng relasyon.
Merong iba sa mga kakilala namin who is into such “alternative” relationship na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila matanggap na ipakilala sa publiko ang kung ano man meron sila.
Sina Aiza Seguerra at Liza ang kauna-unahan (if my memory serves me right) ang ikinasal nang hayagagan at hindi ipinagmaramot sa kanilang suporters ang pagmamahalan na meron sila sa isa’t isa.
Kamakailan ay nag-celebrate ang dalawa ng kanilang “monthsary”.
Pero mas hugot na hugot sa akin ang open letter ni Liza kay Aiza kung gaano nito kamahal ang kanyang ‘mister’.
Sa kanyang social media account, sinulat ni Liza Diño ang laman ng kanyang puso at isip sa pagdiriwang ng kanilang pagmamahalan at pagsasama.
Panimula ni Liza: “Mahal ko, I cannot even begin to tell you how happy you make me every single day… walang kapantay ang ligaya na nadarama ko, dahil ikaw ang asawa ko. Ito. Ito ang tunay na kahulugan ng PAGMAMAHAL—ikaw at ako.
“Buo na Tayo noon. Individually; may kani-kaniyang paninindigan, paniniwala at prinsipyo sa buhay. Respectively, we pursued our dreams and aspirations to become our own best version of ourselves…and it was beautiful.
“And then we became one. And love, grabe, lalo mo akong binuhay. Having you in my life enhanced what I thought was already Good and beautiful.
“I am stronger, wiser, bolder, kinder because of YOU. I am stronger to face any adversities because you give me strength and courage to face them. I am wiser in making decisions bec I have you to help me figure out things so I can make better decisions. I am bolder because you always boost my confidence and remind me how good and talented I am…I am kinder, more caring to others, kasi ….mejo masungit ka at kailangan kong maging accommodating to compensate,” hugot ni Liza.
Pagpapatuloy ni ‘misis’ sa kanyang “liham ng pasasamamat” sa ‘mister’: “But seriously love, ibang klase yung alam mo na talagang dumating na ang para sa ‘yo. Even the stars and Feng Shui is saying na Tayo talagang. hehehe! Nagpapasalamat ako dahil ikaw YUN!!!! I love you so much… I know together we can do anything And its goes beyond ourselves. I love that our love inspires… I am so proud of that because I know it’s rare. I am so lucky to have you!!! Happy 8th my love (smiley sign). Love, your wife ,” pagwawakas ni Liza sa kanyang bukas na liham sa asawa.
Kung tama ang pagkakaintindi ko sa private message ni Liza sa amin sa Facebook ay aalis siya bukas, June 11 without Aiza para bumiyahe ng New York City para dumalo sa SOHO International Film Festival (June 9-16), kung saan ang docu-film na “Traslacion” ay magkakaroon ng premiere night and at the same time ay kasali sa competition under the “Documentary in Competition” category. Ang screening ay magaganap sa New York City’s Village East Cinemas sa Downtown Manhattan.
Ang “Traslacion: Ang Paglakad sa Altar ng Alanganin” (The March to the Altar of Uncertainty) ay isang documentary tungkol sa LGBT families, kung saan maraming balakid silang kinahaharap sa mundo ng isang konserbatibng bansa tulad ng Pilipinas.
Bukod sa kuwento nina Aiza at Liza, kabilang din ang kuwento nina Markus Danao-Schmidt and Richard Danao-Schmidt; Ces Aquino at ang kanyang kapartner na si Dodie Arizo, at sina Theresa Dela Rosa at Sahn Arcilla.
Sa biyahe na ito ni Liza sa NYC, kasama niya ang direktor na si Wil Fredo. Dadalo na rin sila sa awarding ceremony para sa filmfrest.
Bukod sa pakay niya na dumalo sa SOHO Filmfest, may mga meeting din si Liza para sa sa US Tour ni Aiza at kabilang na ang New York show nito sa darating na November.
Reyted K
By RK VillaCorta