Bilib kami sa pagiging vocal nina Aiza Seguerra at Liza Diño-Seguerra sa mga isyung political. Noon pa man, kapag nababasa namin ang mga sentimiyento nila sa kanilang Instagram account ay hanga kami sa dalawa. May punto sila kahit ‘yong ibang mga miron ay ayaw at hindi sang-ayon sa mga issue na pinaniniwalaan ng dalawa.
Sa nakaraang ‘Kidapawan Massacre’ na naganap last Friday tungkol sa rally ng mga magsasaka sa panawagan nila at pagpiket nang almost 2 days na makahingi ng bigas sa kanilang local government, dahil gutom na silang mga biktima ng El Niño, at ang mga sakahan nila ay nangatuyo dahil sa walang tubig o uulan para mabuhay ang kanilang palayan, may punto si Liza Diño sa kanyang posting.
Some excerpts on Liza’s posting: “Kahapon, the whole nation is WEEPING sa trahedyang sinapit ng mga kapatid nating magsasaka at lumad na pinaulanan ng bala ng kapulisan para ‘i-disperse.’
“Hashtag #BigashindiBala is all over social media at lahat tayo APEKTADO sa sinapit nila. Pero isang araw pa lang ang nakakalipas, wow… may ibang anggulo na ang istorya. Ibang klase talaga pag sumasawsaw na ang politika.
“Ginawa nilang komunista ang mga magsasaka nating nagprotesta, in the hope that by making our farmers look less like victims, by saying that they were influenced by communists, the government can justify that this encounter between the police and the protesters is LEGAL and somehow pacify the outcry for this INJUSTICE.”
Naninindigan ng aktres na malaki ang kapabayaan ni Gov. Lala Talino-Mendoza.
Ayon sa aktres: “Nasaan na ang talino mo? You’re so caught up with all the bureaucracy nakalimutan mo nang maging makatao.
“If you did your job to listen and make them feel that you are WITH THEM…that you recognize their need and reassure them that you will provide. Sa tingin mo aabot sa ganito? Pero anong ginawa ng mga opisyal at pulis?
“Palibhasa hindi ninyo alam kung paanong magutom. Ang bilis ninyong mawalan ng simpatiya sa mga tunay na BIKTIMA,” pahayag ng aktres sa kanyang IG.
Si Liza ay bahagi rin ng protesta para sa mga Lumads ng Mindanao kamakailan.
Reyted K
By RK VillaCorta