Napikon si Liza Diño sa bashers nila ni Aiza Seguerra kaya naman nagbitaw siya ng mahabang litanya sa kanyang Instagram account where she posted a photo of her and Aiza while on honeymoon in Cambodia.
“Naglabasan na naman ang mga walang bahid ng kasalanan dahil sa article na ‘to.
“Wagas ang mga comments ninyo! Ano, Masaya na kayo?
“Kung ituring ninyo ang sarili ninyo, kala mo kung sinong ‘relihiyoso’ pero kung makapagsalita, punong-puno ng poot at kabastusan ang bunganga dahil lang hindi naaayon sa inyong paniniwala ang aming pagkatao.
“Nakakatawa because the more we read about your BIGOTED comments, your piercing spews of bible verses, your curse words na talaga namang tagos sa buto, mas lalo lang naming narerealize kung gaano namin kailangang magpakatatag upang ipaglaban ang aming karapatang mamuhay ng malaya at pantay sa paningin ng iba.”
‘You think your bashing would stop us from living our lives freely and openly?
“Go ahead magpakasawa kayo!
“Yes, we are a transgender family and we EXIST.
“Sampu ng buong LGBT community dito sa Pilipinas, hindi kami titigil hangga’t hindi kinikilala ang aming karapatang mamuhay ng marangal at may dignidad.
“MAUMAY NA KAYO pero isusulong namin ang laban tungo sa pagkakapantay-pantay.
“So yes, we call this a HONEYMOON.
“Yes, he is my HUSBAND. Yes, I am his WIFE. Can’t accept it?
“DEAL WITH IT. WE ARE HERE TO STAY. #LoveWins #LovesKnowsNoGender #GenderEquality #PositivePhilippines.”
Iyan ang kiyaw-kiyaw ng nagpapapansing si Liza Diño.
Sinagot-sagot naman siya ng bashers niya sa isang popular website.
One said, “Wala naman problema kung husband and wife kayo. Ang problema dami nyong kuda. Feeling nyo kayo ang bida sa social media. Yun lang yun!”
“Feeling nila lagi sila inaapi hahah. Manahimik na nga kayo. Mega patola at pagpoprovoke din kasi ginagawa eh,” tili naman ng isa pa.
“Kasi masyado silang pampam. Charice used to be nega but when she kept a low-profile love life, people left her alone. I guess it’s the partner choice na rin. That Liza Dino is a little too opinionated for her own good,” mataray na obserbasyon ng isa pang basher.
Dumepensa naman ang isa and said, “Sorry liza and aiza, unfortunately madaming makitid ang pangunawa sa same sex marriage. Just enjoy your honeymoon and prove your haters wrong. Hayaan mo kainin nila yung bible verses nila at panay hatred naman ang sinasabi. Remember LOVE is universal.”
Marami ang nakapupuna na parating may kiyaw-kiyaw ang magdyowang ito sa social media. Feeling righteous sila palagi kaya naman naba-bash sila. Ang tatapang magbitaw ng salita, pero minsan ay hindi naman napaninindigan.
Remember Aiza Seguerra berating Robin Padilla for posting a ballot photo? Hindi ba’t kung anu-ano ang pinagsasabi ni Aiza only to apologize later? Anong klaseng kuda ‘yun? Hindi napanindigan ang pagtataray? Ayun, naging laughing stock tuloy siya sa social media.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas