Tapang-tapangan ang peg nitong si Mocha, ang sexy performer-singer na ni-lambast si dating Congresswoman Leni Robredo na ngayon ay officially proclaimed as the new Vice President of the Philippines matapos ang election last May 9.
Sari-saring negative feedback ang nakuha niya dahil sa “kayabangan” ng sinasabing “pro-Duterte” supporter.
Nag-react ang disenteng pro-Duterte supporter na si Liza Diño (actress and former beauty queen) sa kanyang Instagram na hindi sang-ayon sa ginawa nitong si Mocha sa pambabastos kay VP Leni.
Ang bilis ng reaction ng mga nagmamatyag. Sa kanyang Facebook post ay nababala si Mocha Uson kay VP Leni Robledo na tatanggalin siya sa puwesto kapag tinangka nitong agawin ang mandato kay Duterte.
Ma-take mo ang babala (ang tapang ni Mocha Uson) na huwag subukan na agawin ang mandato ng bayan mula kay President-elect Rodrigo Duterte, dahil kung hindi raw ay “we will be forced to remove you from your office.” To quote Mocha mula sa kanyang blog na naging viral.
May pahayag ang actress at former beauty queen at Duterte supporter na si Liza Diño sa isyu na hindi siya sang-ayon kahit hindi man pinangalanan kung sinong Duterte supporter ang tinutukoy niyang “barubal, bastos, at hindi na nag-iisip.”
Last Saturday (May 28), sa Instagram account ni Liza Diño, ipinahayag niyang, “Ok lang naman na magpahayag ng opinyon. Ok lang din to express our fears about the affiliation of VP Leni with the Liberal Party and how it can possibly affect the changes brought about by the new government.
“Marami naman talaga ang traumatized sa administrasyong Aquino kaya hindi natin masisisi na ilabas ng iba ang kanilang mga pangamba. But let’s not generalize. Do not speak in behalf of others who may not share the same opinion.
“Worse, do not assume the worst in one person and threaten to ‘remove her from office’ gayong obvious naman na wala tayong kakayahang gawing iyon.”
Say ng aktres, “Speak for yourself and for yourself only. Ikaw ‘yan, eh. Opinyon mo ‘yan. But kung ang konteksto ng sinasabi ay parang kumakatawan sa pangkalahatang opinyon, especially ng mga sumusuporta kay Duterte, eh, parang hindi naman tama yun,” sabi ni Liza sa kanyang IG account.
“Let us remain vigilant but let’s work towards UNITY and hope for the best.
“The majority has spoken. Dapat ngayon, back to zero na tayo. Let’s all start on a clean slate PILIPINAS. Tama na ang mga pagbabanta,” paalala niya.
Tama, huwag ma-praning, ‘ika nga, dahil super OA ang reaksyon nitong si Mocha na tila gusto talagang umagaw ng eksena.
Kung sa bagay, what would you get from a Mocha Uson? Hindi siya si Arnell Ignacio, Aiza Seguerra, Vice Ganda, at Liza.
Kaya sa pagiging acting na acting nitong si Mocha, maraming netizens ang nagalit sa kanya na tuloy ang mga nakaraan niyang photos na kabastusan (sa pamantayan ng iba) na kuha para sa Maxim Philippines Magazine ay muli naglitawan sa social media at nahalungkat ang kanyang nakaraan.
Reyted K
By RK VillaCorta