BUKOD SA pamamayagpag sa ere ng Forevermore series nina Liza Soberano at Enrique Gil, binigyan din pala ito ng pagkilala ng Sangguniang Panglunsod ng Baguio sa pamamagitan ng isang resolusyon na pumupuri sa naging kontribusyon ng teleserye sa turismo ng Baguio.
Wow, naman! Hit na nga sa primetime, nire-recognize pa ng turismo ng Baguio. Kakatuwa naman.
Ayon sa Resolution Numbered 92, pinararangalan ng Lungsod ng Baguio ang ABS-CBN at ang lahat ng bumubuo ng Forevermore para sa pagtulong ng teleserye sa pagpapaunlad ng turismo sa kanilang bayan.
Nakasaad sa nasabing resolusyon na nakatulong ang Forevermore sa pagdami at pagdagsa ng mga turistang bumibisita sa Baguio para masulyapan ang Sitio Pungayan sa Tuba, Benguet o mas kilala sa mga manonood bilang ‘La Presa’, ang lugar kung saan nagsimula ang pag-iibigan nina Xander (Enrique) at Agnes (Liza).
Ang Forevermore ay umikot sa kuwento ng pagmamahalan ng dalawang taong nanggaling sa magkaibang mundo — ang binatang nanggaling sa mayamang pamilya na si Xander at ng Strawberry Jam Queen ng Benguet na si Agnes.
Mula sa produksyon ng Star Creatives, ang Forevermore ay sa ilalim ng direksyon ni Cathy Garcia Molina.
La Boka
by Leo Bukas