AMINADO AKO na movie addict ako. Kaya nga I see to it na every Wednesday, sa unang araw ng pagpapalabas ng mga bagong pelikula, andun na ako sa takilya para pumila. Kadalasan I watch in the early evening. Kung maraming mga magagandang movies on that week, iisa-isahin ko ‘yun mula Wednesday hanggang Saturday. Kung wala naman, magkakasya na ako at uunahin ko ang alam ko na maganda a mag-e-enjoy ako. The rest of the other movies naman ay pamasak-butas ko na lang sa weekends. Kung wala akong gagawin, gusto kong maupo sa isang malamig na lugar na kung minsan ay makatutulog at aantukin.
But last Wednesday, inabangan ko talaga ang pelikula ng LizQuen. Late afternoon ako pumila sa takilya gamit ang MTRCB Deputy Card ko. Pila sa papasok ng sinehan sa Fisher Mall Cinema 3 na para ‘di mapagod at nakatayo sa pila, hinayaan ko muna na mauna na sila sa akin. Mostly mga girls ang manonood ng pelikula na kasa-kasama ang mga boyfriend nila.
Sa trailer pa lang, may kilig na sa akin. Noon pa man. Like ko na ang tamabalan nila. Hindi man ako tagasubaybay ng teleserye nilang Forevermore noo. Nakuha nina Liza Soberano at Enrique Gil ang atensyon ko, lalo na ni Liza na isa sa may pinakaamong mukha sa showbiz.
Feel so good ang pelikula nilang I Love You Everyday. Tang’na, ang galing niya kumpara sa ibang mga babaeng artista sa liga niya. Hugot to the max. Ilang beses akong napangingiti na pakiwari ko’y tulad nina Clark at Audrey ay umiibig din ako. I love the scene kung saan inisa-isa nina Liza at Enrique ang mga sugat na lumikha ng mga peklat sa katawan at sa pagkatao nila.
I love the film better than the previous movie nila. Basta ako hindi maghihinayang panoorin ang movie. Ang pelikula ng LizQuen ay parang “opium” sa buhay natin sa panahon ng taggutom, korupsyon, at sangrekwang problema na kinahaharap ng bayan na lahat tayo, apektado.
Reyted K
By RK VillaCorta