NAKA-P100 MILLION na and still counting ang kinita ng second movie nina Liza Soberano at Enrique Gil na Everyday I Love You. Mas malakas ito kesa sa una nilang pelikula na Just The Way You Are.
Mas maganda ring ‘di hamak ang Everyday I Love You ayon sa mga kritiko. Bagama’t nando’n pa rin ‘yung pagpapakilig, mahusay ang pagkakagawa nito at very well acted ng cast ang mga eksena.
Marami ring pumuri kay Liza na as expected, napakaganda ng rehistro sa screen. Parang siya raw ang female version ni Aga Muhlach na kahit anong anggulo sa kamera ay guwapo pa rin. Si Liza, wala ring pangit na anggulo, lahat maganda, huh!
May eksena sa pelikula na umiikut-ikot si Liza Soberano ala-Wonder Woman at dito napansin ng audience na talagang bagay rin siyang gumanap bilang Darna. Kung saka-sakali, siya ang pinakamagandang Darna sa pelikula.
Ang maganda pa kay Liza, kahit blockbuster ang pelikula niya, hindi pa rin siya feeling sikat. Maybe that’s the advantage of having a talent manager na isa ring reporter, kasi naga-guide niya (Ogie Diaz) nang maayos si Liza.
Keep it up Liza, dahil alam naming umpisa pa lang ‘yan ng magagandang mangyayari sa iyong buhay at karera sa showbiz.
La Boka
by Leo Bukas