NAKATUTUWANG MAKABASA ng mga positive comments sa acting ni Liza Soberano everyday sa Forevermore.
Wala ni isa mang nega kaming nabasa na “waley” umarte si Agnes, although naiirita sa kanya ang ilang tagasubaybay, dahil ang arte-arte nga niya na ayaw pang patawarin si Xander (Enrique Gil), kaya simpatya naman ang inaani ni Xander.
“Actually, kahit ako, Tito Ogie, naaartehan na kay Agnes, eh!” pag-amin ni Liza nang tanungin namin. “Wala naman po akong magawa eh, sumusunod lang naman po ako sa script.”
May point naman si Liza.
Pero super thankful si Liza, dahil sa mga positive comments na nababasa niya sa Twitter at Instagram accounts niya.
“Hindi ko po sila narereplayan, pasensiya na po. Pero nababasa ko naman po ang mga tweets nila, and I’m very, very much thankful to them.
“Kaya naman lalo kong pinag-iigihan, kasi, dahil din sa kanila, eh. Saka sobrang gagaling din kasi ng ibang mga kasama ko, like Quen, ‘yung kambal, si Karen, si Papang, si Mamang, si Tita Irma Adlawan, and the rest, super husay, kaya nakahihiya kung hindi ako sasabay sa kanila!”
In fairness.
ISANG STAFF ng Forevermore ang nagtsika sa amin na, “Kinukunan po ‘yung confrontation scene nila ni Enrique, nag-iiyakan sa set. ‘Yung mga cameramen, ‘yung EP, tapos, si Direk Cathy, talagang nag-iiyak sila sa set.
Sabi nga po ni Direk, “Walang hindi iiyak sa eksenang ito.”
True nga. Napanood na namin sa iwantv, tapos, naging viral pa ang naturang eksena at ito mismo’y napanood uli namin, pero naiyak na naman kami.
“‘Eto nga po, sabi sa set. Si Liza raw ang babaeng John Lloyd, dahil sa paiba-iba ang acting. Hindi predictable. Eh, si bagets naman, sobrang nahihiya, dahil ikinukumpara siya sa isang John Lloyd.
“Pero ‘yun lang ang sabi sa set. Liza Soberano is the female version of John Lloyd Cruz when it comes to acting.”
Nakakatuwa naman. Pero ayaw ni Liza na ma-compare, dahil ayaw niyang ma-bash ng ibang fans ni Lloydie.
Oh My G!
by Ogie Diaz