SI LIZA SOBERANO ang latest major Pinay celebrity na nag-give in na rin sa paggawa ng sariling YouTube channel na ikinatuwa naman ng kanyang mga fans. S’yempre, miss na miss natin si Hope na nakasanayan natin na mapanood sa now-defunct teleserye ‘Make it with You’. In just a snap ay na-cancel ang palabas at ngayon nga’y may ‘LizQuen deficiency’ ang mga loyal followers nila.
Nauna nang mag-launch ng kanyang sariling YouTube si Enrique Gil at ilang beses na rin lumabas ang magandang binibini. This time naman ay point of view naman ni Liza an gating matutunghayan.
For her vlog launch salvo, pinili ni Liza na sagutin ang mga tanong ng kanyang followers sa social media. From LizQuen-related questions to being a BTS Army (tawag sa fans ng sikat ng boyband from South Korea) to random quirky questions.
Inamin ni Liza na sa kanilang dalawa ni Quen (palayaw ni Enrique), ang kapartner ang mas ‘affectionate’ at madalas na magsabi ng ‘I Love You’. Si Liza ang tipo ng babae na mas naipapakita ang kanyang pagmamahal through actions. Pagdating naman sa halikan ay ni-rate ni Quen si Liza ng 10/10! Hmmmm… sarap naman! He-he-he!
Ang dream content niya na i-shoot with her boyfriend ay isang reaction video sa iba’t ibang K-Pop dance groups. Sa totoo lang, puwede sila gumawa ng covers nila ng K-Pop dance videos. Remember, once upon a time ay naging Dance King din ng Pinas si Quen (remember that viral ‘Gentleman’ thrust?)
Certified BTS fan si Liza. Sa katunayan, pumila pa nga ito sa concert ng grupo sa Korea na sinuportahan naman ni Quen (aww… sweet boyfie!). Sa BTS members ay kay Jin daw mas nakakarelate si Liza dahil madalas itong mag-feeling ‘ate’ o older sister sa kanyang mga kaibigan. Halos pareho rin sila ng humor. Ang top 3 BTS songs naman niya ay Save Me, Black Swan at Mic Drop.
Si Suga ng BTS rin ang isa sa mga paborito niyang rappers. The two others are Eminem and our very own Andrew E.!
Katulad ng mga ordinaryong Pinoy, nilamon na rin ng sistema si Liza at naging adik din sa KDrama! Ang mga natapos niyang KDramas ay ang Itaewon Class, Hotel de Luna, Weightlifting Fairy Kim Bok Joo at Boys Over Flowers. Napaisip tuloy kami na what if isang KDrama Philippine adaptation naman ang next project ni Liza Soberano kung ma-solb na ang ABS-CBN Franchise Renewal dilemma?
May mga sinagot din na Forevermore-related question ang dalaga plus other random yet interesting questions.
So far, so good ay satisfied kami sa unang patikim ni Liza. Looking forward na kami sa kanyang mga susunod na upload! Congrats Liza!