Liza Soberano, kinasusuklaman ng fans nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla

Liza-Soberano Liza-SoberanoKAHIT AYAW pa ng mga fans ay wala na silang magagawa, dahil magpapaalam na sa ere in two weeks’ time ang Got To Believe. Juice ko, hindi nga din namin namalayan, naka-seven months na pala itong umeere, ‘no?

So, ang ibig lamang sabihin niyan ay gano’n ka-enjoy at kabaliw ang mga sumusubaybay ng seryeng ito na dinirek nina Cathy Garcia-Molina at Richard Arellano. Tama naman ang rason ni Direk Cathy, “Gano’n lang po talaga kanipis ang kuwento, hindi na puwedeng pahabain.”

Dito rin nakilala sa seryeng ito sina Jon Lucas, Yves Flores, ang Mean Girls at si Liza Soberano.

“ANO ANG pinakamatinding sinabi sa iyo ng isang basher sa twitter?” tanong kay Liza Soberano.

“Ang sabi po, ‘mamatay ka na sana.’ Pero hindi ko na po ‘yon pinansin, kasi, naiintindihan ko naman, gano’n nila ka-love ang KathNiel, eh.”

At ang sabi namin kay Liza, ‘pag ni isa, walang nag-react sa presence niya sa show, ibig sabihin, wala siyang dating. Kaya inihanda na namin ang kalooban diyan ng aming alaga.

Natutuwa naman kami dito sa batang ito, dahil gustung-gusto siyang interbyuhin ng mga press, “Ibang klase ang alaga mo,” sabi nu’ng isang reporter, “Hindi pa showbiz at hindi pa nilalamon ng sistema.”

ALL’S WELL that ends well sa pagitan nina Karylle at Vice Ganda. Nakapag-usap na ang dalawa sa tulong ni Anne Curtis, kaya sa It’s Showtime ay nagagawa nang biruin ni Vice si Karylle.

At maging si Yael Yuzon ay humingi na rin ng paumanhin kay Vice. And that’s the right thing to do.

Gumagamit ng iligal na droga: Young actor, hinuli ng PDEA sa Clark

 

BLIND ITEM: Ilan na ang nakakuwentuhan namin na nag-confirm na “talagang gumagamit” ng ipinagbabawal na gamot ang isang young actor. Pero sino ba naman kami para husgahan ang bagets, lalo na at wala pa itong disiotso at ewan kung nasa pangangalaga ngayon ng DSWD o ng PDEA.

Hindi nga mabanggit ang pangalan nito, pero kalat na kalat na rin sa industriya ang nangyaring paghuli rito ng operatiba daw ng PDEA sa Clark.

Nakakalungkot, ‘no? Kaya ‘yan ang sinasabi namin sa mga kabataang nabigyan ng break sa showbiz na huwag sasayangin ang mga pagkakataong andami-daming gustong umagaw. Pero pinakakawalan nila sa pamamagitan ng pagpapabaya at pag-concentrate sa mga bisyong hindi dapat.

Sana nga, malampasan ito ng young actor na tawagin natin sa pangalang “Katy”.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleMark Herras, hiniwalayan daw ni Ynna Asistio dahil sa bisyo
Next articleKaye Abad, suwerte sa career, malas sa lovelife

No posts to display