Liza Soberano, mahusay nang umarte

Liza-SoberanoPARANG KAMI pa tuloy ang “dinadala” ni Liza Soberano, dahil kahit saan kami magpunta ay puro pagbati ng, “Congrats, ang galing ng alaga mo!” o kaya ay, “Sobrang galing na ni Liza, ang suwerte mo riyan sa alaga mong ‘yan.”

Pero juice ko, honestly? Sobrang tuwang-tuwa kami sa nangyayari sa batang ito. Kasi, araw-araw, gumagaling siya sa pag-arte talaga.

Kami pa ba ang mang-eetching sa acting eh, isa rin kaming aktres… este, aktor, ‘di ba?

Kaya we know one when we see one.

Gabi-gabi talaga, pinahahanga kami ni Liza.

Iba talaga ‘pag may pinaghuhugutan. Hahahaha!

Juice ko, ‘yung iyak niyang ‘yon nu’ng isang episode kung saan excited na excited siya talking to Xander (Enrique Gil), tapos, ang boses niya, garalgal, dahil naiiyak siya. Aba’y napakahirap magpatulo ng luha nang nakangiti pa rin ang mukha, huh!

Nag-text nga sa amin ang batikang direktor na si Ruel Bayani, “Ang husay na ni Liza sa Forevermore. Ang bilis natuto ng bata!”

And I’m sure, hindi lang naman si Direk Ruel ang nagsasabi niyan, kundi marami.

Maraming-marami.

Kaya naman lagi naming ipinaaalala sa batang ito na be humble at all times para magtuluy-tuloy ang kanyang success.

AT ‘ETO na nga. Dahil sa tagumpay ni Liza Soberano, araw-araw, ang daming nagpi-PM sa amin at nagte-text.

Mga kaibigan namin, tine-teks kami kung puwedeng mag-artista ang anak nila o pamangkin.

Juice ko po! Kung nalalaman lang nila kung gaano kahirap ang mag-manage. ‘Pag nag-manage ka, parang nadagdagan ang apat naming anak ng mga “adopted” dahil nga para mo silang hinuhubog bago ilaban sa giyera.

Ang nakakalokah pa nito, kung minsan, pagharap sa amin ng bata kasama ang mga magulang, mas nararamdaman naming mas gusto ng parents kesa gusto ng bata.

Kaya one time, sabi namin sa isang madir, “Mommy, ba’t ikaw ang sagot nang sagot para sa anak mo? ‘Yung anak n’yo po ba ang mag-aartista o kayo?”

“Ay, sorry po, Sir Ogie. Na-excite lang ako.”

Mas excited pa ang parents kesa sa anak, hahahaha! Pero normal na ‘yung mga ganitong sitwasyon, naha-handle naman namin nang bongga.

Pero lagi naming sinasabi sa kanila na hindi kami manghuhula, lalong hindi kami Diyos para sabihing “Sisikat ang anak mo!”

Tulay lang kami, pero ang bata ang haharap sa kamera, hindi naman ang manager.

Kaya du’n sa mga gustong mag-artista, mag-survey muna kung marami talagang nagtutulak na mag-artista ka.

Pero importante sa lahat, dapat, ikaw ang may gusto, hindi ang mga taong nakapaligid sa ‘yo.

NAKAKATUWANG episode na naman ng “Home Sweetie Home” this Saturday ang inyong mapapanood, dahil mukhang si Julie (Toni Gonzaga) ay lalansihin ng sinakyang taksi.

At ano ito? Na-hurt si Romeo (JLC)?

Well, panoorin n’yo na lang, maganda ‘yan. Nandiyan din siyempre ang inyong lingkod na laging paos pagkatapos mag-taping, dahil sigaw nang sigaw si Sir Paeng kina Romeo, Ed (Bearwin Meily), Lino (Wally Waley) at Maria (Christine Go).

Directed by Bobot Mortiz, kasama rin siyempre ang main cast na sina Sandy Andolong, Miles Ocampo, Terrence, Mitoy, Eric Nicolas, Keanna Reeves, at iba pa.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleCoco Martin, iningatan ang suwerteng dumating sa buhay
Next articleOgie Alcasid at Regine Velasques, ipinagdarasal ang pinagdaraanan nila Kris Aquino

No posts to display