NAKAKALOKAH, DALAWANG beses as in magkasunod na araw na nakuha ang jackpot prize na P1-M sa “Isang Tanong, Isang Milyon” segment ng It’s Showtime. Nu’ng una ay ‘yung sorbeterong 40 years nang nagtitinda sa kalye ng ice cream. Sumunod naman ay babaeng gustong ibili ng van ang kanyang ama.
Actually, nakakalokah naman talaga ang segment na ito ng It’s Showtime dahil kahit ang mga televiewers ay affected much sa elimination at sa jackpot round. Pagka-ganito, hindi ka talaga iiwan ng televiewers, dahil kahit sila ay pinipiga mo ang utak sa kaiisip at natetensiyon din sila, hahaha!
At sobra kaming natutuwa ‘pag me nakakahuli ng jackpot. Kasi, kahit hindi naman kami ‘yon, happy kami for them, dahil an’laking ginhawa talaga ‘yung isang milyong piso sa buhay, huh!
Ang nakakalokah lang talaga ng taon ay paano kung araw-araw na lang ay may nananalo ng P1M?
Baka pahirapan na nang bongga ang pagbuo ng tanong sa sagot, hindi kaya?
HIHINGI MUNA kami ng pahintulot sa mga young actors kung puwede naming banggitin ang kanilang mga pangalan.
Ba’t ba namin babanggitin?
Wala naman. Naaliw lang kami, dahil hindi naman namin talaga katsika sa phone, pero tumatawag sila sa amin para i-confirm kung alaga ba namin si Liza Soberano? Siyempre sinasabi namin, oo, co-manager kami ng Star Magic kay Liza.
“Tito, ang ganda niya. Saan mo siya na-discover? Pakilala mo naman ako sa kanya, o?”
Siyempre, ‘yung mga gano’ng hirit ay alam na, ‘di ba? At inaamin naman ng mga young actors na ito ang labis nilang paghanga sa ganda ni Liza. At ikinukuwento ko na rin sa kanila na hindi lang basta ganda si Liza, kundi brainy rin ang kalabtim na ito ni Enrique Gil sa nangungunang teleserye sa primetime na Forevermore.
“Tito, puwede ko bang makuha ang number niya?”
Ang sabi ko, “Sa akin mo na lang ipaabot ang gusto mong sabihin sa kanya.”
Hahahahaha!
Mahigpit na manager lang ang peg?
NATATANDAAN PA naming sey noon ni Liza, “Tito Ogie, I want to be a lawyer someday. Can I enrol in Ateneo?”
Aba, sino ba naman ang ayaw ng magandang edukasyon, lalo na’t ‘yung napakahirap pang kurso at mahaba-haba ring taon ang gugugulin para sa kursong Law, ‘di ba? Pero sabi nga namin kay Liza, “Anak, okay ‘yan, pero pag-ipunan muna natin ‘yan. Sayang ang opportunity. Lalo na ngayon na unti-unti mo nang natutupad ang pangarap mo.
“Ayan, makakaipon ka na para ‘pag enough na ‘yang ipon mo, puwede mo nang ituloy ang pangarap mo.”
Sa point of view rin naman kasi ng isang talent manager, ang uso ngayong artista ay bagets. Mas magandang makapag-establish ka ng pangalan at an early age para umangat-angat din ang market value mo bago ka pa mag-20 years old.
Pero siyempre lagi naming pinaaalalahanan si Liza na practice humility at all times.
And in fairness, lahat ng nakakausap naming artistang nakakatrabaho ni Liza, maging ang staff ng ABS-CBN ay bukambibig nila ang mga salitang, “Mabait ‘yang batang ‘yan, walang kaere-ere!” Tapos, magsasabi na sila ng mga pangalan ng ibang teen stars na sumikat lang ay ang yayabang na.
Maging sa mga bashers (lalo na online) ay hindi rin kami nagkukulang ng paalala kay Liza na tawanan na lang niya ang mga ito at hayaan niya ang mga ito sa trip nilang okrayin siya o husgahan siya, dahil unang-una, wala siyang magagawa. ‘Pag pinatulan naman niya ang mga ito, lalabas na affected much siya at hindi siya busy masyado.
“Ay, no problem naman ako diyan, Tito Ogs. Naaaliw na lang ako sa kanila. I cannot please them all naman. Ganyan naman sa social media, eh. Lalo lang nila akong tsina-challenge na galingan ko ang craft ko, which I’m doing now.”
Don’t forget to listen to us, ha? Sa DZMM Teleradyo ngayong Sabado ng 9-10 nang gabi at mapapanood din sa Sky Cable Channel 26 at Destiny Cable Channel 25 at puwede rin kayong makinig sa DZMM – ABS-CBN para mas updated kayo sa mga latest showbiz happenings!
Oh My G!
by Ogie Diaz