INABANGAN KO ang pilot episode ng Forevermore ng Kapamilya Network noong Lunes. Hindi kami nagkamali na maganda si Liza Soberano sa television screen. Perfect ang mukha sa screen na ang ka-sweetan ay puwedeng maging showbusiness goddess pagdating ng panahon. Sa totoo lang, maganda ang tambalan nila ni Enrique Gil. Bagay sila at may chemistry, ‘ika nga.
Magaling si Liza as a newcomer lalo na sa mga palitan nila ng linya ni Tsong Joey Marquez. Sa totoo lang, kung maaalagaan itong si Liza (which I know ay hindi pababayaan ng kaibigang Ogie Diaz who is her manager) at hindi magkakaaberya sa kanyang work attitude, malamang in 2015, she will be the next important star.
Sa totoo lang, tabi-tabi po, Liza is a better performer compare sa ibang mga pang-leading ladies ang peg ng Kapamilya Network. She’s a better actress compare sa isang overrated with too much publicity newbie na nagiging hot lang dahil bitbit siya ng kanyang ka-loveteam na super-hot young male celebrity sa showbiz.
Sa ganang akin, effective din si Liza sa mga obrang pang-MMK dahil mukhang may promise ang magandang dalaga pagdating sa drama at seryosong acting.
Pero iritado ako sa buhok ni Liza sa serye. Ang ganda ng mukha, diyosang-diyosa pero kulot-kulot ang mahabang hair na dapat ipa-treat kay Jing Monis para lalong umarya ang dalaga.
IBA ANG plano ng mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriquez bukas sa Undas. Si Misis, dito lang daw sa Manila at magbabasa ng mga books na bago niyang bili, while si Mister, uuwi sa bayan ng ina niyang si Mommy Eva Cariño.
Sa pagbabalik-trabaho nila sa Lunes, magiging abala na naman ang dalawa sa preparation ng birthday special ni Idol Robin aka Bonifacio na entry niya para sa MMFF 2014 sa December 25.
Reyted K
By RK VillaCorta