Liza Soberano at Miguel Vergara, nagbunga na ang pagsisikap

Ogie-Diaz-Liza-Soberano-Miguel-VergaraPARANG KELAN lang, inilalako ko pa lang kayo para magka-project kayong dalawa.

Heto na. Nagbunga na ang paghihirap natin.

Basta sabi ko naman, hindi man ngayon, baka bukas o sa isang linggo o kahit abutin pa ng taon. Basta ‘wag lang maiinip, pag-iigihan ang craft, at mabuting pakikisama sa mga taong nakasasalamuha ang laging iisipin.

Ang batang si Miguel Vergara na 2-time best child actor (for One More Try bilang anak nina Dingdong Dantes at Angel Locsin na nangangailangan ng bone marrow transplant), napanood bilang anak nina Bea Alonzo at Albert Martinez sa Sana Bukas pa Ang kahapon, anak ni Judy Ann Santos sa Huwag Ka Lang Mawawala, kasama ni Julia Barretto sa Wansapanataym, anak nina Paulo Avelino at KC Concepcion sa Christmas serye ng ABS-CBN at ang batang kapatid ni Julia Montes sa Halik Sa Hangin movie, and soon, mapapanood din sa teleserye nina James Reid at Nadine Lustre at endorser pa ng My Robby Rabit bags and apparel ang batang kapag nagsimula nang magsalita, iiyak ka na.

At siyempre, ang batang nu’ng araw ay nagdyi-dyip, nagta-taksi, nag-e-MRT-LRT at nagta-traysikel na ang itsura’y pangmayaman, pero ang totoo’y hindi naman. Talagang matiyaga lang bumiyahe kung saan-saang may VTR dahil nga nangangarap na makilala balang-araw – si Liza Soberano.

Mula sa pagbibigay sa kanya ng break ng Dreamscape unit ni Deo Endrinal thru Carlina Dela Merced para gawin siyang younger sister ni Jake Cuenca sa Kung Ako’y Iiwan Mo na ang sabi nga ni Tita Gloria Diaz, “Napakabait na bata. Hindi mareklamo. Awang-awa pa ako riyan kasi nakatutulog nang nakasandal lang sa upuan, wala siyang bed sa taping. Pero ‘yung passion niya sa pag-arte, andu’n na kahit hindi pa diretso ang Pananagalog niya that time.”

Na kahit si Arlene Muhlach ay tumawag pa sa akin para sabihing, “Mare, alaga mo pala itong si Liza Soberano. Kabait na bata. Nagpunta pa sa tent ko para magpakilala nang pormal. Nakatutuwa. Eh, bihirang-bihira ang ganyang gesture sa mga batang artista ngayon.”

Naikuwento nga sa akin ni Liza na happy raw siya. “Kasi sa ASAP noon, nasa isang tabi lang ako, hindi ako kinakausap ng ibang artists, pero ngayon, nahihiya pa ako kasi sila pa ‘yung lumalapit sa akin para lang maki-chat. Nagpapa-video greeting pa ‘yung iba kasi gusto raw ako ng mga friends nila. Nahihiya po tuloy ako, Tito Ogie.”

Sabi ko naman, “Basta lagi ka lang mabait, anak. ‘Wag kang maldita sa mga tao, lalo na sa mga production staff. Kasi sila nagre-report sa management kung mabait ka o salbahe ka o unprofessional ka o primadona ka.”

“Ay, hindi po, Tito Ogie. Kahit tanong mo pa po sa kanila.”

“Anak, kahit hindi ko itanong, makakarating sa akin ‘yan.”

“Ay, ano po’ng sabi nila?”

“Mabait ka raw, palabati at magaan katrabaho. At sana raw, ‘nak, ‘wag kang magbago.”

“Eh, ‘di tinalakan mo ko, Tito Ogie.”

#‎AlamNa

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleJolo Revilla, kailangang bantayan 24 oras
Next articleDingdong Dantes, tensyonado sa kaliwa’t kanang mga isyu

No posts to display