Noong Saturday sa birthday party ng kaibigang Ogie Diaz, nakalimutan kong uriratin sa “Prinsesa” namin na si Liza Soberano kung siya ba ang gaganap na Darna.
Sa mga nanood kasi ng MMFF entry ng Star Cinema (Beauty and the Bestie at All You Need is Pag-ibig) ipinalabas na ang teaser ng pelikula na nakatakdang ipalabas ngayong taon.
Malakas kasi ang bulung-bulungan na si Liza Soberano diumano ang gaganap as Darna na originally ay si Angel Locsin tulad sa unang mga lumabas na mga balita.
Ang peg, parang ipinapakita na si Darna na kinalakhan natin (siya ang Pinoy version ng Super Woman) ay bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas mula sa panahon ng mga Espanyol, Japanese, and American occupation up the present time.
Ipinakita lang ang torso ng bagong darna pero ang mukha ay nakatago.
Pero nang mabangit namin kay Ogie ito, siya mismo, hindi niya alam. “Ako ang manager, wala akong alam. Hindi si Liza,” paniguro ni Ogie sa amin.
Kinabukasan, Sunday, na-sorpresa si Liza dahil ang walang kaplano-plano niya na mag-celebrate ng isang bonggang birthday party (Monday, January 4 ang kaarawan niya); nagkaroon ng Bohemian themed debut ang dalaga.
Yes, present si Enrique Gil pero ang mas masaya at nagpa-happy nang todo sa dalaga ay ang pagdating ng mga kapatid niya galing Amerika which is a surprise kay Liza.
Non-traditional ang debut ni Liza na imbes may cotillion or 18 roses or 18 candles, kinantahan siya ng 18 love songs na related or may hugot sa buhay ng dalaga.
Sa naturang event, tahimik lang si Quen at hinayaan ang “girlfriend” to enjoy nang husto ang kanyang party together with close friends and relatives.
Sa mga fans ng LizQuen, abangan ang dalawa sa bagong teleserye nila sa Kapamilya Network na Dolce Amore na isang Italian princess ang role na ginagampanan ng dalaga.
Trivia lang on LizQuen,”Monkey” ang tawag ng binata sa dalaga.
Reyted K
By RK VillaCorta