UMARIBA sa Netflix ang ‘Trese‘ noong Hunyo. Ang Kapamilya actress na si Liza Soberano ang nagbigay-buhay kay Alexandra Trese sa Filipino version ng animated series na likha ni Budgette Tan. Ilang linggo rin nanatili sa Top 10 Most Viewed Shows ng Netflix ang nasabing palabas.
Isang malaking pressure para sa isang first-timer sa pagdudub ng isang comics series animation na maraming tagahanga.
Marami ang humanga sa first-ever Pinoy animation series na ipinalabas globally sa Netflix. Isa sa mga naging komento ng mga manonood ay ang voice acting na ginawa ni Liza Soberano.
Mixed reactions ang nakuha ng dalaga sa kanyang portrayal bilang si Alexandra Trese. May mga fans na nagsasabi na swak naman ang pagganap ni Liza, pero may ilan din na nagsasabi na mas mainam daw kung ibang artista na lang ang kinuha. Isa sa mga paborito ng mga loyal Trese followers ay ang Kapuso actress na si Glaiza de Castro. Sa katunayan, may fanmade video pa nga na ginamit ang mga linyahan ni Glaiza bilang si Pirena sa Encantadia at inilapat sa official trailer ng Trese.
Sa podcast interview nina Pia Wurtzbach, Carla Lizardo, at Bianca Guidotti kay Liza Soberano kamakailan ay sinabi ni Liza na nauunawaan niya ang mga kritisismo na kanyang natanggap.
“In voice acting, you’re giving life to another character, not yourself. So, just like any universe like Harry Potter, Marvel, or DC, their supporters are very protective of those universes and characters, I can understand if there are people who have opinions about my voice acting or me even getting cast as Alexandra Trese. I completely understand that.”
Kahit pa pinuna ang kanyang voice acting performance ay natutunan pa rin ng dalaga na yakapin ang kanyang bagong passion.
“It’s something I want to continue doing. I want to take lessons for it so that I can apply it in acting,” sambit pa niya.
Ikuwinento rin ni Liza na dalawang araw (6 hours per day) lamang siya nag-dubbing para sa proyekto.
“I kind of had separation anxiety after doing it. I felt like ‘This is it? This is all I had to do?’ I wanted to do more!” Pahabol pa niya.
Sa mga hindi pa nakakanood ng Trese, mapapanood pa rin ito sa Netflix with six episodes.