KAHIT SAAN kami magpunta, si Agnes ang hinahanap sa amin. Imbes na kami ang kumustahin, si Agnes talaga ng Forevermore.
No, hindi naman kami nao-offend. Natutuwa nga kami, dahil isa lang ang ibig sabihin niyan: arrived na ang lola n’yo.
Dati-rati, sa pangalan pa namin nakasabit si Liza Soberano. Ngayon, kami na ang sumasabit sa pangalan niya. Hahahaha!
Ang sarap ng feeling na pagkatapos mong maiangat ang career ni Vice Ganda ay ‘eto naman, si Liza naman ngayon.
Lagi nga naming sinasabi na kung nagtuluy-tuloy ang “relasyon” namin ni Vice bilang manager-talent, baka hindi namin nai-push nang bongga ang career ni Liza, dahil naka-concentrate kami kay Vice.
So, talagang masasabi naming marunong talaga ang Diyos. At totoo ang kasabihan na kapag may umaalis, may darating. Naghiwalay kami nang maayos ni Vice, at dumating naman bigla si Liza.
Ang cute, ‘di ba?
Namamayagpag naman ngayon si Liza bilang “the next big thing”.
Habang si Vice naman ngayon ay umaalagwa rin ang buntot… este, ang career sa larangan ng comedy at concert.
Ang importante: choose to be happy.
AND SPEAKING of Vice Ganda, nag-celebrate ang bakla ng kanyang 38th or 39th birthday in advance sa ituktok ng Marco Polo Hotel sa Pasig last March 25.
Actually, March 31 talaga ang birthday ni Vice. Kaso, waley na siya. Nasa ibang bansa na at rumaraket kasama si Enchong Dee.
Tuwang-tuwa si Vice nu’ng umapir kami sa kanyang “asalto”. Napayakap nang mahigpit ang bakla, sabay bulong ng, “I love you, ‘teh!”
Nakakatuwa.
Hindi man kami magkarelasyon bilang manager-talent ay nai-save namin ang friendship.
Habang ilan namang kaibigan ang nagsasabing “Gano’n kadali sa ‘yo?” Na sinasagot namin ng, “Gano’n lang talaga kahirap sa inyo.” Hahahaha!
Na-realize namin sa buhay ang isang bagay: anuman ang feeling mo ngayon, lalo na kung malungkot ka, galit ka, nagtatanim ka ng sama ng loob – eh, kasalanan mo ‘yon sa sarili mo.
But if you choose to be happy, dapat mo lamang palakpakan ang sarili mo, dahil malakas maka-bata ang ngiti, ang saya, ang walang poot sa dibdib.
Saka sa tanda naming ito ni Vice at hindi na kami mga batang paslit na galit-bati, galit-bati, juice ko, hello! Move on and move forward na ang drama, ‘no?
After all, nauna naman talaga ang friendship sa aming dalawa at hindi naman manager-talent relationship agad.
At ginawa lang namin ang kalugod-lugod sa Panginoon (ang lakas maka-fellowship) at kalugod-lugod sa aming pakiramdam.
Kaya sa tuwing magkikita kami ni Vice, para lang kaming mga timang na kuwentuhan nang kuwentuhan, halakhakan nang halakhakan.
Gano’n lang kami.
After all, sa “sinapupunan” ko pa rin galing si Vice Ganda.
Hindi ko nga lang alam kung sino ang “ama”.
Charot!
Oh My G!
by Ogie Diaz