TAMEME SIGURO ngayon ang mga detractors at nang-a-underestimate sa kakayahan ni Liza Soberano na magdala ng teleserye porke baguhan pa lamang siya. May mga humaharang din noon sa pagbibida ni Liza sa Forevermore at sinasabing wala siyang K na maging partner ni Enrique Gil. Pero siguro naman, this time ay tanggap na rin nilang may puwang sa Primetime Bida ang serye ng dalaga.
Last Nov. 11 ay nakakuha ng pinakamataas na national TV rating na 30.2% ang Forevermore. Nag-trending din nang bongga sa Twitter ang hash tag ng show na ForevermoreStepUp. Bihirang-bihira na lang ngayon ang sumasampa sa 30% na rating at masuwerte ang tambalang LizQuen na ganu’n kalaki ang suporta sa kanila ng televiewers, huh!
Sobra-sobra naman ang pasasalamat nina Enrique at Liza sa audience na tumututok sa Forevermore. Nangako ang dalawa na lalo pa nilang pagbubutihan ang kanilang trabaho sa mga susunod na episode ng teleserye.
Very thankful din sila sa direktor ng Forevermore na si Cathy Garcia-Molina sa pagtityaga at pagtuturo sa kanila on how to do some scenes na talaga namang nagpapakilig sa manonood.
Habang busy sa taping ng Forevermore sina Enrique at Liza, tinatapos na rin nila ang syuting ng launching movie nilang The Bet under Star Cinema.
I’m sure happy ngayon si Tita Malou Santos na isa talaga sa mga nag-push na magbida na sa teleserye ang LizQuen loveteam. Congratulations po.
La Boka
by Leo Bukas