MAG-UUMPISA pa lang dapat ang promotion para sa ikatlong pelikula ni Darryl Yap na ‘Tililing’ na ipapalabas sa Vivamax, pero mukhang nakalibre na ito ng promo dahil sa pag-alma ng outspoken Kapamilya actress and Psychology major student na si Liza Soberano.
Nakita ng dalaga ang initial promo poster ng pelikula kung saan nakadila ang mga bidang sina Gina Pareno, Baron Geisler, Candy Pangilinan, Chad Kinis, Donnalyn Bartolome at Yumi Lacsamana.
Tweet ni Liza, “Really hoping that this movie will spread awareness and enlighten us on the struggles of dealing with mental health. But the poster? It’s a no for me. Mental health is NOT a joke. Stop the stigma.”
Marami ang sumang-ayon kay Liza, pero meron din mga nagsasabi na baka gimik lang ang poster para mapansin ang pelikula na tumatalakay sa iba’t ibang mental issues.
Noong 2018 pa nagsimula mag-aral ng kursong Bachelor of Science in Psychology sa Southville International School and Colleges si Liza. Ito ang dahilan kung bakit umaalma ang dalaga sa ganitong klaseng materyal.
Sumagot naman kaagad ang controversial ‘Tililing’ director na si Darryl Yap.
“Sa iyo, Miss Liza Soberano, ang iyong pag-asa na sana’y makapagbigay liwanag ang aming pelikula sa pagpapalawak ng kaalaman sa pangkalusugang pangkaisipan ay hindi masasayang. HINDI KA NAMIN BIBIGUIN,”
“Matatalino ang aking mga artista, at matapang ang kanilang direktor,”
“Kapag napanood niyo na po ang #Tililing ay mauunawaan ninyo bakit ito ang titulo, bakit nakalabas ang kanilang dila; at bakit namin tinitindigan ang kalidad at mensahe ng pelikula. Kaisa po ninyo kami sa inyong adbokasiya.” pagtatapos ng Direk Yap.
Dinepensahan naman ni Baron Geisler si Liza Soberano sa mga bashers nito sa comments section ng post ni Darryl Yap.
“Please Don’t bash Liza. Please be kind. Sometimes we get overprotective with our advocacies. She did not mean to look down on the poster.
“I believe she meant well folks. Please be kind. Masakit ma bash. Naranasan na natin yan one way or another.”
Nagpost ng tweet si Liza para kay Baron. “Thank you kuya Baron for the kind words and sorry if I have offended anyone. I’m afraid my intentions were misinterpreted. I always want the best for films that tap into mental health, so I wish this film all the best. Looking forward to seeing it.”
Abangan na lang natin ang full trailer ng pelikulang ‘Tililing’. Sana nga’y hindi tayo biguin ni Mr. Yap!