SUPER SAYA at kuntento nga ang tatlong host ng Happy Wife, Happy Life na sina Mariel Rodriquez-Padilla, LJ Moreno-Alapag at Danica Sotto-Pingris at bagay nga raw sa kanila ang show na napapanood sa TV5.
Ayon nga kay LJ, super happy wife nga raw sila talaga in real life, tulad ng title ng show nila. “Happy in the sense na contented and talagang spoiled din naman ako kay Jimmy (Alapag, ang mister niyang PBA basketball star) as far as alaga and everything.
“Si Jimmy, ano siya, mas siya pa nga ‘yung laging, o where are you? O ‘yung mas nagre-report, so hindi ko siya kailangang hanapin. Alam mo na ‘yun,” natatawang say ni LJ.
Good provider din nga raw ang mister niya at lagi nga raw sinsabi sa kanya, she doesn’t have to work dahil kaya naman siyang buhayin nito at bigyan ng marangyang buhay. Pero dahil nanggaling nga sa showbiz si LJ bago sila nagkakilala ni Jimmy, hindi matanggihan ni LJ ang offer ng TV5 as one ng magiging host ng Happy Wife, Happy Life.
“Wala namang problema sa kanya, as long na alam ko raw ang priority ko. That’s why pumayag din siya rito. Nu’ng una, trial lang ‘yung season 1,” say ni LJ.
Ngayon ay hindi pa tapos ang season 2, may announcement na kaagad sa kanila na may season 3 na ang Happy Wife, Happy Life. Pero kapag medyo raw umo-over siya sa work, pinaaalalahanan siya ni Jimmy na huwag kalimutan ang priority, ang kanilang anak.
“Ang ayaw niya lang kasi, naiiwan ‘yung mga kids sa bahay na walang kasama. So, at least ‘yung sister ko nakatira sa amin or ‘yung tita ko, malapit lang. Pero kung wala sila, basta talagang dapat alam ko ‘yung priority ko is ‘yung mga kids,” tsika ni LJ nang pasyalan namin sa taping ng Happy Wife, Happy Life sa Gazebo Royalle sa Quezon City.
Talaga raw high maintenance sa time ang mister niya, kaya she makes it a point na ang pagiging wife and mother ang priority niya.
“Nire-remind niya ako na “remember, you don’t have to work”. Kaya lang ako, bilang parang ilan taon din ako nu’ng nag-start akong nag-work… saka hindi rin ako sanay na walang ginagawa. Kasi, ‘di ba noon, kung hindi man ako nagsi-showbiz, naglo-lollycake (her business)?”
Take note, may 5 francise na siya ng kanyang negosyo.Natural sa kanya rin manggagaling ang mga cakes sa mga franchise na siya mismo ang nagbe-bake para siguradong masarap at hindi nagbabago ang sarap ng lasa.
Samantalang naungkat ko kay LJ ang nangyaring pinasok ng magnanakaw ang kanilang tahanan.
“Hindi po namin bahay ni Jimmy ang pinasok ng magnanakaw. Bahay po ‘yun ng daddy ko at hindi sa amin. Nagtawagan nga ang pamilya ng mister ko dahil nag-alala. Hindi ko nga po alam doon sa mga pulis na nagbalita na bahay namin ang pinasok ng magnanakaw,” paglilinaw ni LJ Moreno.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo