LJ Moreno will not go hungry

AUGUST 2010 PA noong ikasal sa Amerika si LJ Moreno to her basketeer-boyfriend,  the  following month ay bumalik sila sa bansa with a movie offer coming LJ’s way.

Far more interesting ay ang pinagkakaabalahang negosyo ngayon ni LJ that started out of her sheer cravings for sweets.  Back in the US, usung-uso raw ang tinatawag na cake pop. Simply put, ito ay ‘yung lollipop na imbes na candy ay cake ang nasa stick.

The idea so inspired her that upon her return ay nagtayo siya ng Lollicake Factory, a business name that her husband thought of na naka-base mismo sa kanilang tahanan sa Kapitolyo, Pasig City. May isang buwan na raw itong tumatakbo nu’ng kumuha siya ng formal baking lessons, and now her cake business is picking apples.

Pagyayabang nga ni LJ sa kanyang mister: “Hey, I cannot go hungry. I can act, I can teach, I can bake!” True enough, in between her baking chores ay tumanggap si LJ ng acting part in the creepy movie Tumbok starring Cristine Reyes.

Pagbabalik-tanaw ng dalawa, batang-bata pa raw si Cristine nu’ng bumibisita ito sa set ng sitcom ni LJ na Kool Ka Lang. And now they’ve found each other in the cast of a Topel Lee movie, kung saan off-camera and off-shoot ay nakaranas din sila ng real hair-raising encounters.

Siyempre, kai-langan may ganu’n para swak na swak sa promo ng pelikula which premieres on May 3 at the SM Megamall Cinema 10 and opens on May 4 nationwide.

KAHAPON NG ALA una y medya nang pormal nang sampahan ni Bulacan. Bulacan Mayor Patrick Meneses ng kaso ang dating nobyang si Aiko Melendez sa Malolos RTC. Patrick’s charge sheet is based on Aiko’s alleged Twitter entries kung saan may ka-tweet itong gay friend.

Hindi na nga hinintay pa ni Patrick ang paliwanag ni Aiko, he pursued with the legal action gayong puwede naman niya itong iklaro sa dating kasintahan if there’s truth to her alleged defamatory tweets.

For her part, sa payo na rin ng ilang kaibi-gan ay tikom ang bibig ni Aiko yet she repeatedly assures her supporters that her moment of vindication would come at a most proper time (and venue).

Kilalang tahimik si Patrick, an introverted guy na sa gustuhin man niya o hindi, he has embraced the nuances of showbiz lalo’t ang idinemanda niya ay si Aiko. His legal action, whether he likes it or not, will be one big showbiz event that thrives in the filth of a romantic affair.

Imagine such issues to be taken up, from the gender in question to genital warts, isn’t it enough comedy in court? Isang kapita-pitagan, respetado, disente at guwapong punungbayan who has better things to do for his constituents, caught in a legal skirmish versus a former flame?

Between the erstwhile couple, Patrick stands to lose more once exposed to this legal circus, hindi si Aiko who simply has to disprove her ex-boyfriend’s accusations fuelled by certain quarters na galit sa aktres.

Marahil, Aiko’s silence for now means choosing the right time when to bring everything out on Patrick. At ‘yun ang nais naming marinig at Aiko’s most convenient time.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleWill call the attention of TV5 Bosses and MTRCB: German ‘Kuya Germs’ Moreno is in rage with DJ Mo Twister
Next articleBulacan Mayor Patrick Meneses will make sure to see Aiko Melendez in court

No posts to display