MULING mapapanood ang real-and-reel lovebirds na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte sa upcoming digital series na ‘Love in 40 Days‘ na mapapanood na simula May 30.
Sa panayam sa kanya ng showbiz website na PUSH, itinanggi ni Loisa ang bali-balita na sa iisang bahay na raw diumano sila nakatira ng kanyang longtime boyfriend na si Ronnie.
“Actually may isyung ganun,” sambit ni Loisa. “Kasi magkalapit ang bahay namin, 15 minutes away lang. Cavite siya, Laguna lang ako so parang, ‘Beh, kailangan ko kausap, usap tayo.’ So ang dali lang magpunta. So kami, tara picture kami, picture tayo, pero hindi ko alam na ang issue pala is live-in na. Pero ako naman, as long as na alam ko naman na hindi, okay naman kami, hindi ko naman na pinapatulan.”
Six years and going stronger ang paglayag ng relasyong LoiNie. Tuloy-tuloy din ang blessings sa kanila na magbida sa mga proyekto. This year lang ay nagbida rin sila sa ‘Unloving You’ early this year at parte rin sila ng ensemble series na ‘The Goodbye Girl’. Parehong ipinalabas ang mga nasabing proyekto sa iWant.
Dahil matagal-tagal na rin sila magkasintahan at nasa tamang edad na rin sila to settle down, hindi maiwasan na marami ang excited sa posibilidad na ikasal na ang dalawa soon.
“Hindi pa siguro ngayon. Darating tayo doon,” sagot naman ni Ronnie.
“Sa ngayon ang focus namin is i-enjoy ang buhay namin hangga’t bata pa kami, mag-ipon para pagdating or dumating ang panahon na kailangan na, eh ‘di tara na,” dagdag pa niya.
Para kay Ronnie, naniniwala siya na marami pa sila puwedeng gawin ni Loisa pagdating sa kanilang showbiz careers at ‘yun muna ang kanilang prioridad.
“Darating tayo diyan kasi siguro sa ngayon, i-e-enjoy lang muna namin medyo. Bata pa kami para doon and ‘wag po kayo mag-alala, ‘yun naman ang mindset namin. Naka-plano ‘yun, pero hindi pa ngayon,” paliwanag ni Ronnie.
Sumang-ayon naman si Loisa: “Tama po ‘yung sinabi ni Ronnie, kasi ayaw po namin na pumasok sa ganung kataas na level of relationship na engagement na. Kasi tama po, ang babata pa po namin and marami pa kaming gagawin rin basta nandito kami to support each other.” pagtatapos nito.