PINAPANOOD SA AMIN ni Brillante Mendoza ang latest indie film niyang Lola na pinagbibidahan nina Anita Linda, 84 years old (Lola Sepa) at Rustica Carpio, 79 years old (Lola Puring). Kahit may mga apo na sa tuhod, patuloy pa rin silang gagawa ng makabuluhang pelikula. Hinahahanap-hanap ng katawan nila ang pag-arte, karugtong na kasi ng kanilang buhay ang sining na kanilang ginagalawan.
Always on time sa set kung dumating sina Anita at Rustica, memorized na ang kani-kanilang linya at ready for take. Hindi nahirapan si Brillante idirek ang mga ito kahit matatanda na sila.
“Masarap silang katrabaho, they are both professionals. They never complained during the shoot, despite the difficult logistics. Two years ago pa ang project na ito, sina Anita Linda at Monalisa ang nasa original cast ko. Nasa planning stage palang ang project na ito nang makausap ko si Monalisa. Excited siyang gawin kaso mo nga, na mild stroke, hindi makalakad kaya naka-wheelchair na siya ngayon,” say ni Direk Brillante.
Kahit ganu’n ang nangyari nagbakasakali pa rin si Direk Brillante makuha ang serbisyo ni Monalisa. Pangarap kasi ni Direk na mapagsama niya sa kanyang pelikula sina Anita Linda at Monalisa. Pinakiusapan pa rin niya ang anak ng beteranang actress.
“Ang sabi sa akin, nagiging maiinitin na raw ang ulo ni Monalisa, madaling magalit kaya hindi na ako nagpumilit pa. Wala na akong maisip na iba pang puwedeng ipalit sa kanya kung hindi si Rustica Carpio, hindi naman ako nabigo. Tulad ni Anita napakagaling niya, makikita mo ‘yung passion sa kanyang trabaho and I’m happy sa naging resulta ng pelikulang ito,” pahayag ng award-winning director.
Kahit second choice lang si Rustica, outstanding performance naman ang ipinakita niya. Natural ang kanyang mga eksena same with Anita, ‘yung funeral procession sa flooded area, jail and prison scenes (real prisoners and guards) lalo na ‘yung rain and wind effect, very realistic. Akala mo tuloy may bagyo habang pinapanood mo ang mga eksenang ‘yun nina Anita at Rustica. Lalong naging glossy tuloy ang pelikula. Magaling ang cinematographer (Odyssey Flores), na-capture niya ang gustong iparating ni Direk Brillante sa manonood.
Napakaganda ng pelikula, worth watching talaga, makaka-relate ka sa kanila, naramdaman ko ang bawat character na kanilang ginagampanan. Maging sina Ketchup Eusebio (Mateo, the suspect in the murder) at Jhong Hilario (Bebong, Mateo’s brother) ay napakahusay. Mapi-feel mo ang pagmamahal ng dalawang lola sa paborito nilang apo, lahat ay gagawin para protektahan sila.
The film was based on real events, one grandson killing the other grandson. Lola is the first Filipino film in the Venice Film Festival competition since 1985. Malaki ang chance ni Mr. Billante makapasok ito sa Oscar Awards for Best Foreign Film dahil sa naiibang istorya nito bukod pa sa pagkakapanalo niya ng Best Director for Kinatay sa nakaraang Cannes Film Festival na ginanap sa France. Magkakaroon ng limited theatrical run ang Kinatay, starting tomorrow, September 23 sa Robinson’s Ermita.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield