Lolit Solis, ‘di naniniwalang magagawa ni Cesar Montano ang bintang ng kalaswaan

Lolit-Solis-Cesar-MontanoHINDI SI Lolit Solis ang business manager ni Cesar Montano, but even then she does not believe that the actor could do such a deplorable thing to her daughters.

“Siguro, kung si Baron Geisler (na minsan nang idinemanda ng kanyang alagang si Yasmien Kurdi on charges of acts of lasciviousness) pa ‘yan o si John Regala (na minsan na ring inireklamo ng co-star niyang si Rita Avila in a Wish Ko Lang episode), puwede pa akong maniwala. Pero si Cesar? Parang ayokong paniwalaan,” depensa ni ‘Nay Lolit sa aktor.

February 3 nang ihain ni Sunshine Cruz ang mga kasong violence against minor daughters at child abuse laban sa dating asawa sa QC Prosecutor’s Office. The case stemmed from an incident on November 16, 2014, ayon na rin sa sumbong ng kanilang tatlong anak na babae when they slept over at their dad’s residence.

The five-page complaint affidavit has annexes attached to it, ito ‘yung mga handwritten letters ng tatlong bata addressed to their mom.

Without getting into the details of their separate yet corroborative accounts of the incident, nagpapaantok lang daw ang magkakapatid habang nanonood ng The Book Thief while lying beside their dad. Sey naman ni Joey de Leon, “Eh, giyera ‘yung pelikulang ‘yon, kung totoo man, paanong na-arouse si Cesar?” which—again—raises the doubt kung magagawa nga ba ‘yon ni Cesar sa kanyang mga anak.

Now, for our thought. Ang reklamo ni Sunshine ay batay sa insidenteng naganap diumano noong November 16 last year. The formal complaint was filed only last February 3.

Sa pagitan ng mga petsang ‘yon, or at the very least nearest to the date when the incident occurred, hindi ba’t December o January man lang naisampa ang kaso?

Common sense would also dictate that since hiwalay na sina Cesar at Sunshine, and that the latter would only allow their daughters to spend the night or two sa bahay ng kanilang ama, hindi ba’t ang una at basic na tanong ni Sunshine sa mga anak should have been, “O, how was your night with your dad?”

Sa pag-uusisa pa lang na ‘yon ni Sunshine—without any malice yet on her mind—it would have been the perfect opportunity for the kids to recall a fresh instance. At du’n na maaaring mag-iiyak ang mga bata even before they could recount their story like any other victim of child abuse na nasa state of shock pa.

On the assumption na totoo ngang ginawa ‘yon ni Cesar (terms like “masturbating” and “fapping” ang ginamit ng mga bata in their letters), realizing the adverse effects it had on their innocent minds, hindi ba muna naisip ni Sunshine na kausapin si Cesar?

Sa totoo lang, our heart goes out to the three children, na ipagpalagay na nating inabuso umano ng kanilang ama, and subjecting these three beautiful and smart girls to public embarrassment na dala-dala nila hanggang sa mga pinapasukan nilang ekskuwelahan is too much an ordeal for them.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMarjorie Barretto, imbiyerna sa naudlot na pagsikat ni Julia Barretto
Next articleHeart Evangelista, nakakuha ng simpatiya sa ‘di pagsipot ng mga magulang sa kasal

No posts to display