AMINADO ang talent manager host at veteran showbiz columnist nasi Lolit Solis na nakaramdam siya ng depression simula nung nalaman niyang meron siyang health problem na nauwi para regular siyang magpa-dialysis.
Sa kanyang post sa Instagram ay iniisip pa rin daw niya na wala siyang sakit at okey ang kanyang kalagayan kahit na sinabihan na siya ng doctor na meron siyang sakit.
“Alam mo ba Salve na hanggang ngayon hindi ko pa rin matanggap na may sakit ako. Nagpi-pretend nga ako na parang wala lang, pero kung minsan nadi-depress ako..
“Hindi ko na magawa ang usual na ginagawa ko, naiba na rin ang sked ko dahil sa dialysis. Isang araw dialysis, isang araw pahinga, twice a week na dialysis, plus dalawang araw pahinga, 4 days na agad nawala sa akin. Iba na talaga takbo ng buhay ko, iba na,” pagtatapat ni Manay Lolit.
Inamin din niya na dahil sa kanyyang edad kaya mas madali na niyang nararamdaman ang panghihina ng kanyang katawan. Dito rin niya sinabi na kung nung simula ay nasa denial stage pa siya ngayon daw ay tanggap na niya ang kanyang kalagayan.
Lahad ng talent manager, “Minsan tanggap ko, minsan parang naiinis ako, minsan nasa sad ako. Iyon bang sana noon mas bata ako nagkasakit, sana noon mas matibay pa katawan ko. Hindi ngayon na old na ako kaya parang madali ng manghina.
“I feel sad sometimes, pero tanggap ko rin na wala na akong magagawa, so ok na lang. Que sera sera na lang ang puwede kong maging reaction, ito ang binigay sa akin, so, tanggapin ko na lang.
“Sana nga huwag na ako ma-depress, mag enjoy na lang ako sa mga pangyayari, dahil talagang ganuon ang buhay.”
Nag-iwan na rin si Manay Lolit ng habilin just in case dumating ang panahon na papanaw na siya.
“Sinabi ko na pag nauna ako kay Jokjok ang favorite dog ko, pa-sleep na siya at isama sa akin sa cremation ko. Dahil old dog na siya, sana mauna na lang ako at magsama na kami ni Jokjok.
“Hay naku, mga drama ko talaga, Salve at Gorgy, kaloka di ba!” sabi pa niya.
Si Manay Lolit ay 75 years old na.
“Medyo tanggap ko na ang aking medical condition kaya ok na iyon sked ng dialysis at kung ano pa ang gusto nila gawin sa akin. Tanggap ko na wala na ang super powers ko, na ngayon nasa mga doktors na ang buhay ko.
“Salamat talaga sa pag aalaga sa akin, sa mga nagtiyaga para maayos ang lagay ko. Thank you sa lahat ng nagpakita ng pagmamahal, talagang forever grateful ako. I will never ever forget your help and love,” pahayag ng veteran columnist.