Lolit Solis, kinumpirmang sisibakin na ang kanilang showbiz talk show

Lolit Solis, kinumpirmang sisibakin na ang kanilang showbiz talk showConfirmed: Sisibakin na sa ere ang CelebriTV sa May 7!

Mismong si Lolit Solis, isa sa tatlong hosts ng nasabing programa (along with Joey de Leon and Ai-Ai de las Alas), ang nagkumpirma sa amin na mamamaalam na ito, barely eight months after it piloted on September 19 last year.

CelebriTV replaced Startalk na umere nang halos dalawampung taon.

Ani ‘Nay Lolit Solis, isang programa ng news and public affairs ng GMA ang ipapalit sa time slot ng kanilang Saturday afternoon show.

Samantala, ang studio na ginamit ng Startalk which is the same studio na ginagamit ng CelebriTV ang siya ring magsisilbing bagong tahanan ng Wowowin as it gears up for is transfer (malamang pagkatapos na ng Holy Week).

AFTER THE not-so-long wait (more than six months) ay certified Viva artists na ang magpinsang Mikay at Kikay, thanks to colleague Mercy Lejarde who brought the kids to Boss Vic del Rosario na agad humanga sa sing-and-dance talent ng mga ito.

Bilang paghahanda sa napipintong pagkakasali ng mga bagets sa Calo J. Caparas’ Ang Panday—produced by Viva—inihahanda na ang pagsasailalim nila sa acting workshop. If cast in the fantaserye, hindi kaya may mamuong love triangle sa kuwento involving Alonzo Muhlach?

Anyway, very considerate naman ang Viva knowing that Mikay and Kikay are both in school. Ia-adjust na lang daw ang taping schedule so they won’t skip classes.

Initially, “package deal” muna ang dalawang bagets na puwede rin daw isama ng Viva sa iba pang shows, but if certain projects would require na hindi sila magkasama ay okey lang daw with either of them. “Supportive po kami sa isa’t isa,” sey nina Mikay at Kikay na nagpamalas sa amin ng kanilang bagong song-and-dance act, ang ‘Mangarap Ka’, na nakita ni Mommy Dianne sa YouTube.

NON-STOP ANG ang paghahatid ng saya ng hit sitcom na Ismol Family every Sunday as it marks its second anniversary this June.

No wonder, both happy and proud ang director nitong si Dominic Zapata who attributes the sitcom’s success to the fun atmosphere ang good vibes sa tuwing magte-taping ang buong cast nito.

“Ang saya parang it never gets old. It’s like hanging out with friends. When you are doing comedy, the fun that you have on the set translates on the product. I had no expectations that it would run this long, all that I expected was to having an enjoyable experience doing it,” sey ni Direk Dom.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleOgie D Production, may acting workshop ngayong summer sa pamamahala ni Direk Emman dela Cruz
Next articleRia Atayde, pinasaya ang mga bata sa bahay-ampunan

No posts to display