AFTER THREE long years ay mapapanood na sa wakas ang highly anticipated action-fantasy series na ‘Lolong‘ na pinagbibidahan ng Kapuso hunk actor na si Ruru Madrid simula ngayong July 4. Sa pamamagitan ng bigating proyektong ito ay natupad ang pangarap ng binata na maging isang action star.
“Three years po namin itong pinaghandaan. Doon sa three years na ‘yon nag-Yaw-Yan ako, nag-undergo ako ng arnis, nag-boxing ako. Ang dami kong bagong skills na na-unlock because of this project.”
“Ito ‘yung masasabi ko na sobrang happy ako, kasi ito ‘yung gusto ko. I mean, ever since bata ako pangarap kong maging action star. So finally, nabigyan po ako ng oportunidad para makagawa ng isang teleserye na action. So I’m just very happy to be part of this project,” masayang kuwento ni Ruru Madrid sa hosts ng Unang Hirit noong June 21.
“Many, many times, naaksidente ako dito, napilayan ako, napako ako, ang daming injuries,” saad pa ng binata.
Matatandaan na ilang beses naantala ang taping ng Lolong, na umabot pa sa punto na nagkaroon ng minor fracture si Ruru habang ginagawa ang isang action stunt. Kinailangan nilang tumigil magtaping at pinayuhan si Ruru na magpahinga muna para gumaling kaagad ang kanyang injuries.
Ikwinento din ni Ruru na challenge para sa staff ng Lolong ang pagpapagalaw sa dambuhalang animatronic na buwaya na 15 hanggang 20 katao ang nagpapagalaw. Wow!
“May nagkokontrol dito, may nagkokontrol diyan. Para talaga siyang robot na kinokontrol ng maraming tao. Sometimes medyo hassle din for us dahil kapag nagda-dialogue ako, nanginginig ‘yung ‘Ssshh’ (makina) kapag pinipindot, gumagalaw ‘yung ulo niya, bumubuka ‘yung bibig niya. ‘Yun ‘yung hirap namin,” masayang kuwento ni Ruru, na siyang gaganap bilang si Lolong.
“Sa audio, kailangan kong i-dub ‘yung ibang mga eksena.”
Mapapanood na sa GMA ngayong July 4 ang Lolong. Leading ladies dito ni Ruru sina Shaira Diaz at Arra San Agustin.