Bound to USA ang tinaguriang Lord of Scents at CEO/President ng Aficionado Germany Perfume na si Sir Joel Cruz dahil may invitation ito mula kay US Ambassador Philip Goldberg mula June 19 to 21, 2016.
Ito nga raw ang pagsasama-sama ng mga businessman at entrepreneurs sa Amerika na gaganapin sa Washington, DC. Layunin daw nito ang ipag-match ang mga business ng bawat bansang dadalo para mas lumakas ang negosyo sa Amerika at sa mga bansang dadalo kasama na nga ang Pilipinas.
“It’s an invitation by American Ambassador Mr. Philip Goldberg , ang title nu’n ay US Select Investment Summit on June 19 to 21 sa Washington DC , it’s a three-day summit.
“’Yung mga gusto mag-invest sa US, they inviting mga entrepreneur, businessman all over the world and mina-match nila ‘yung business ng mga outside the US, tsaka mga business sa Amerika. Siguro to improve the economy of USA and of course ‘yung economy natin at ng iba pang mga bansang magpa-participate.
“And I’m so happy na na-invite ako at pinili ako ni US Ambassador Philip Goldberg. Kaya we have to attend this.
“Last year it was also successful and it was hosted by President Obama, I hope I can see President Obama again. These thousands of business sa Amerika na nandoon, isang big affair talaga ito para sa mga entrepreneurs.
“Ang maganda kasi rito, ‘yung exportation at importation, magiging malakas ‘yun and were hoping na meron kaming magandang ka-business match sa America, so we can invest also in the US.
“Papasyalan ko rin ‘yung bahay ko sa LA. But I’ll be coming back dito sa Pilipinas on June 28. Tapos babalik din ako sa Amerika sa July 10, kasi July 8 ang last day of class ng mga bata nina Prince and Princess, so they will be coming with me pabalik sa Amerika. Doon muna sila sa Amerika magsa-summer vacation.”
Any celebration for Father’s Day?
“Well Father’s Day is a Sunday, nandu’n ako sa Washington DC. Dito June 21, and ‘yun ‘yung last day naming du’n so siguro, I will just get in touch with them, tatawagan ko sila.
“Ang problema lang sa East Coast, ang oras kasi du’n baligtad sa atin. ‘Yung tipong, alas-dose ng tanghali du’n, alas-dose ng hating-gabi naman sa atin.
“I hope may tamang oras para makausap ko sila. Ako ‘yung mag-a-adjust sa oras ng mga bata para makausap ko sila. Mag-skype na lang siguro kami para nakikita nila ako at nakikita ko sila.”
Pag-uwi n’yo sa Pilipinas, magsi celebrate pa rin ba kayo ng Father’s Day?
“That’s a good idea. ‘Yun nga lang, medyo late na, kasi nga June 28 ako babalik sa Pilipinas. Last year kasi, nag-host ako ng Father’s Day. Lahat ng mga kapatid kong tatay, pati ‘yung mga brother-in-law na tatay na, nag-celebrate kami.
“Pero we were in Vietnam that time, so wala pa akong plan, but I’ll see. To be honest, sandali lang ako sa Philippines, may iba pa akong lakad sa Hong Kong, kaya siguro it’s a very simple celebration na lang with my family, dinner together, ganu’n na lang siguro.
“Very simple siguro, pero ‘yung essence of being a father ay nandu’n talaga na love na love ko ‘yung mga anak ko and I know mahal na mahal din ako ng mga anak ko.
“Siguro basta nandu’n lang ‘yung meaning, why we celebrate Father’s Day, dahil sa love sa ‘yong father and pagmamahal ng ama sa anak. Tamang bonding lang at it’s very simple and I have to explain to them the meaning of Father’s Day, kasi medyo bata pa sila.
“But honestly speaking, before ‘yung mga Father’s Day and Mother’s Day, hindi ko masyadong nabibigyan ng sobra-sobrang importance. I just greet my father a Happy Father’s Day and my mom a Happy Mother’s Day. Pero this time, nu’ng naging tatay na ako, du’n ko na lang talaga naramdaman ‘yun, kung ano talaga ang meaning ng Father’s Day, na kung bakit kailangan talagang i-celebrate ito,” pagtatapos ni Sir Joel Cruz.
John’s Point
by John Fontanilla