NANG MAKITA namin si Lorenzo ‘Tata’ Mara sa presscon ng Binoy Henyo, matikas pa rin ang dating ng actor. Mukhang bata kahit forty six years old na siya ngayon. Hindi nito ikinahihiya ang tunay niyang edad. Physically fit, clean living and happy lifestyle,’yun ang sekreto niya.
Bukod sa pag-aartista, commercial model din ang actor, hindi na mabilang ang mga pelikula at product endorsement na nagawa niya. Hanggang ngayon, mabenta pa rin siya sa mga advertiser.
Aside sa pagiging actor ni Tata, may talent and modelling agency silang mag-asawa. Fourteen years na itong business nila. Memorable para kanya ang international film na My Family na ginawa niya with Gina Alajar at dinirek ni Joel Lamangan. Naging entry ito sa Cannes Film Festival.
Para lalong ma-improve ang craft ni Tata as an actor, kumuha siya ng course sa acting, scriptwriting and directing for eight months.
“Hindi biro ang pinagdaanan ko. Ang hirap pala ‘yung kurso na kinuha ko pero nakaka-thrill. Iba ‘yung feeling kapag marami kang natututunan na puwede mong i-apply sa sarili mo as an actor. Hindi mga artista ang kasama mo, puro theater actors. Ang gagaling nila, hindi lang nabibigyan ng break. Iba ‘yung level of acting nila, malalim, mararamdaman mo ‘yung character na pino-portray nila,” kuwento niya.
Nangangarap rin si Tata na balang araw mabigyan siya ng break makapag-direk. “Hopefully, sana mangyari ‘yun kahit indie film, makapag-direk ako. Mailalabas mo kasi ‘yung passion mo as an artist sa pelikulang gagawin mo. Sa indie kasi, puwede mong gawin ‘yung type of film na gusto mo,” aniya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield