MATAGAL NA RIN nang huli kong napanood sa isang teleserye si Lorna Tolentino.
Sa katunayan, hindi ko na rin nga yata maalala kung sa Kapuso or Kapamilya Network siya huling nagkaroon ng teleserye.
Sa Facebook lang niya ako nakakapag-update sa mga kaganapan sa araw-araw na mga nangyayari sa buhay ng aktres na mas nasanay ang mga showbiz na tawagin siyang LT (as in Lorna Tolentino).
Ang huli ko nakita at update kay LT ay ang tungkol sa farm niya sa Batangas na kung hindi siya busy sa mga gawain sa Maynila; asahan mo at andun siya at ine-enjoy ang binuo nila na bakasyunan ng namayapang mister na si Rudy Fernandez o di kaya’y sa bonding moments niya sa kanyang apo na si Tori.
“My happiness ibang level kasi parang naga-add up sa energy mo yung pagiging lola. Parang gusto ko pang marami pang magawa, yung humaba pa yung buhay mo para makasama mo lalo at madalas mo pa makita,” kuwento ni LT last Sunday sa event ng SPEED para sa kanilang 1st EDDYS Award kung saan naging presentor pa nga sila si Christopher de Leon sa event.
Up close ay walang nagbago kay LT. So pretty as before na naalala ko pa nga noon, isa siya sa may angkin na pinakamagadang mukha sa showbiz.
Sa muling pagbabalik- telebisyon ng isang Lorna Tolentino ay madami ang excited.
Almost anim na taon din nagpahinga si LT na umarte sa harap ng kamera.
Pero may bago siyang teleserye na ayon sa private message sa amin ng aktres ay 3rd week of July magsisimula ang taping.
Sa seryeng “Victims of Love” makakasama ni LT sina Julia Montes, Paulo Avelino, Agot Isidro, Nonie Buencamino at Cherry Pie Pichache.
Ngayon na muling magiging aktibo si LT sa pag-arte, may nagsasabi na sa pelikulang Darna ni Liza Soberano, pwede siya gumanap as nanay ni Liza na may similarity sa itsura ng dalaga.
Kung hindi n’yo alam, si LT ay gumanap din as Darna sa television version sa dating RPN 9 when LT was just 13 or 14 years old.
Nang tanungin ko kung ano masasabi niya na si Liza ang magiging bagong Darna sa pelikula sa karakter na likha ni Mars Ravelo: “She is perfect for Darna!,” reply ni LT sa amin.
Reyted K
By RK Villacorta