Lorna Tolentino, nag-react na sa sampalan blues nila ni Chin Chin Gutierrez! – Ronnie Carrasco

ANG DAPAT SANA’Y maiksing pangungumusta ko lang kay Lorna Tolentino over the phone took God-knew-how-long. Pinatawagan kasi ng mga oras na ‘yon ni Lolit Solis ang kanyang alagang aktres after she (Lolit) spoke to Chin Chin Guttierez’s manager sa telepono rin.

Ipinanggagalaiti ni ‘Nay Lolit ang mapaminsalang pananampal ni Chin Chin kay Ms. LT sa isang eksena sa Dahil May Isang Ikaw. Nagtamo ng scratch si Lorna sa mukhang malapit sa kanyang mata dahil napuruhan ng singsing na suot-suot ni Chin Chin sa eksena, bukod pa sa namukol niyang bahagi malapit sa bibig.

Ayon mismo sa kuwento ni Lorna, malinaw naman daw ang direksiyon sa kukunang eksena: sasampalin siya ni Chin Chin at gaganti siya. Pero sa ikalawang pananampal daw ni Lorna ay umilag si Chin Chin, bagay na wala na sa script.

[ad#post-ad-box]

Mas naghihimutok si ‘Nay Lolit kesa kay Ms. LT. Na-guilty pa nga ang manager dahil nakaugalian na kasi niyang hindi magbantay sa set ninuman sa kanyang mga alaga. Had Lolit been there, may kalalagyan daw si Chin Chin!

But for her part, ayaw na itong palakihin pa ni Lorna. Sapat na raw ang ginawang pagri-reprimand ng istasyon kay Chin Chin nitong Martes sa mismong inireklamo niyang unprofessionalism on the latter’s part.

“Kuya Ron, apat na dekada na ako sa industriyang ito,” sey ni Lorna whom I had last spoken to during our Startalk years pa. “Respeto lang naman ‘yon sa mga co-actors mo. Kasi kung moment mo ‘to, I’ll let you shine. Pero kung masapawan kita, kasalanan mo na ‘yon. Siguro naman, modesty aside, I’ve nothing more to prove. Sa mga nalalabi ko man lang na taon dito sa showbiz, gusto kong ma-recognize ako bilang isang professional actress.”

Ramdam ko kung saan nanggagaling ang sentimyento ni Ms. LT, huwag na ang katotohanang she’s a top-caliber actress. “Susme, in due time, mare-relegate na rin ako sa mga elderly roles. Pana-panahon lang naman ‘yan, e. Pero ang gusto ko, tumanda man ako sa business na ito, nakatatak pa rin ang paggalang ko sa mga katrabaho ko,” depensa pa ni Lorna.

It can be Chin Chin, an “environmental geek” or anyone else. Puwede ring hindi si Ms. Lorna.

The fact remains, respetuhan lang ‘yan.

MAGALING TALAGA ANG Pinoy, no need to stress the obvious. Kaya naman ipinagkatiwala sa dose anyos na junior grand champion ng World Championship of Performing Arts (WCOPA) na si Rhap Salazar ng Western Union ang awiting “Galing ng Pinoy.”

A salute to our overseas Filipino workers, lalong maa-appreciate ang kantang ito this season when dollar remittances pour in torrents. May music video ito directed by GB Sampedro, an awardee of the recent Cinemalaya Festival with multi-platinum music producer Jonathan Manalo.

Wala ba kayong napapansin sa tatlong Pinoy talents na involved sa proyektong ito? Panalo!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSipat-eklat #179: Filmfest movie ni Marian Rivera, ‘di na itinuloy!
Next articleLarawan sa Canvas: Heir to the Lord of the Amulet of Pepeng Agimat

No posts to display