AFTER WATCHING the film BURGOS directed by Joel Lamangan and produced by Heaven’s Best Entertainment last Saturday sa CCP bilang closing film para sa 2013 Cine Malaya FilmFestival, hindi ko alam kung papaano ko isusulat ang opinyon ko tungkol sa pelikula. Mabigat sa dibdib na nagbabalik-alaala sa akin ang karanasan ng pamilya ng kaibigan ko na dinukot noong ‘80s sa Naga City.
Nauna lang si Nona na sinundan ng marami pang iba at kabilang na si Jonas Burgos na anak nina Mrs. Editha at Sir Joe.
Damang-dama mo ang bigat ng kalooban ni Mrs. B. na sa araw-araw niyang paghahanap sa anak ay sari-saring emosyon at bangungot ang nararanasan niya. Tulad ng ibang mga pamilya at mahal sa buhay ng mga desaparecidos (mga nawawala na hindi natagpuan) iisa lang ang mithiin nila: ilitaw ang mga mahal nila sa buhay. Sabi nga ni Mrs. Edith, “Dalawang bagay lang ang makapagpapahinto sa paghahanap ko sa anak kong si Jonas; kung wala na ako at kung natagpuan ko na siya.”
Si Lorna Tolentino na gumanap bilang Mrs. Edith Burgos sa pelikula, namulat na sa labas ng mundo niya, may mga tao na dumaranas ng ganitong kasakit na pagsubok sa kanilang mga buhay. Sa e-mail reply ni LT sa tanong namin sa
kanya: “When I saw the film, my wish is that marami ang makapanood para magkaroon ng awareness sa mga tao ang forced disappearances o desaparecidos. Lahat tayo ay nawalan ng minamahal sa buhay kahit merong tuldok, nasa puso at isip pa rin natin sila. Ang journey ng Burgos family ay nagbibigay ng lakas sa atin. Sabi nga ni Mrs. Burgos, God’s grace of strength and courage ay binibigay sa atin ng Panginoon sa lahat ng ating pinagdaraanan.”
As of presstime, wala pang playdate for regular screening ang pelikula ayon sa Heaven’s Best Entertainment.
Reyted K
By RK VillaCorta