MAY MADADAGDAG NA naman sa “Flawless” Entertainment Royale na sina Lorna Tolentino, Richard Gutierrez, Yasmien Kurdi, Alyssa Alano at Butch Francisco.
Bonggacious ang announcements nina Rubby Sy at Butch Francisco na ginanap noong Lunes at bumuhos ang food and drinks dahil most deserving ang winners na sina Robert de Claro (Flawlessly Dangerous) at Julieanne Susie Arcenio (Purely Flawless).
Isa sa mga araw na ito ay makikita na ang kanilang billboards sa buong Maynila at mga karatig. Naniniwala si Rob (palayaw ni Robert) na malaki ang naitulong sa kanya ng pagiging tall, dark and handsome niya para makamit ang titulong hinangad ng maraming aspirants sa loob ng 4 na buwan.
“I’m not dangerous,” aniya nang tanungin kung bakit siya tinagurian as such. “The truth is I’m a softy. Madali akong pakisamahan. Posibleng ang looks ay madaya. Para kasi akong astig. You have to know me better, and you’ll discover that I could be the nicest person you have ever met. Okey po sa akin ang title, at least I can start from that image. Anything that will make me realize my dream of becoming famous is welcome to me,” patuloy niya.
Sabi naman ni Julieanne: “I’m not as complicated as my name. Mahirap daw ispelengin. Bakit daw hindi na lang simpleng Julie, Julien o Juliean, kaysa dagdagan pa ng ‘ne’ sa huli at may Susie pa. Sa hirap ng pagme-memorize ng name ko, baka nga naman mahirap akong tandaan. Maybe, I should listen to their advice na gawin na lang simple ang spelling ng name ko, dahil higit pa sa pagiging flawless beauty ang pangarap ko. I hope to be noticed kapag itinayo na ang billboards namin.”
Both Rob and Julie received P800,000 cash prizes. Marami silang plano sa perang napanaluhan, isa na rito ang paghahanda sa marami pang challenges as celebrities.
Ang iba pang winners ay sina Aris Corrales and Doris Cheong (1st runners-up) at sina Rafael Nangquil and Abigail Araso (2nd runners-up).
Naging inspirasyon ng lahat ng winners si Lorna Tolentino na siya ring nagbigay sa kanila ng mga trophies nang gabing iyon.
Hindi nagkulang si LT sa pagbibigay sa kanila ng pointers on how to go a long way sa profession na pinili niya. “First and foremost na rito ang pagiging flawless. Kapag hindi ka makinis at malinis, parang kulang ang katangian mo para magtagumpay. You’ll feel comfortable and so secure about yourself. Nand’yan naman ang Flawless products na nagagamit ngayon at hindi tulad noon na problema talaga ang pag-aangkin ng mga ito.”
Sa edad ni LT (huwag na nating banggitin), naipagpapatuloy niya ang kanyang profession. “Masaya ako kapag marami ang nag-aalok sa akin ng trabaho, ng projects. After ng Dahil May Isang Ikaw, konting pahinga at unwind ang kailangan ko para gawin ang susunod kong assignment. Isa pa iyon sa hindi natin dapat kalimutan. It’s a luxury on our part to rest. Hindi naman puro trabaho lang.”
BULL Chit!
by Chit Ramos