AYON kay Lotlot de Leon na bida sa indie film na “1st Sem”, she’s not a paranoid type of mom at taliwas daw sa tunay na buhay ang karakter na ginagampanan niya sa nasabing pelikula.
“Hindi, eh. Kaya nga napagod ako dito sa ‘1st Sem’ kasi puro sigaw, eh. I would make it a point na inuupo ko lahat ng mga bata, para if they have something to say, marinig ko isa-isa kung may opinion sila. Because I’ve always been honest to my kids,” sey ni Balot.
Hindi rin daw siya nahirapang palakihin ang kanyang mga anak kahit mag-isa lang siya.
“Actually, sa mga anak ko, hindi naman ako nahirapan, eh. Nahirapan ako sa mga kapatid ako, to be honest.
“Kasi sa mga anak ko, alam ko na anak ko sila. Mahirap magpalaki ng kapatid, kasi hindi nila ako magulang. So, mahirap ‘yon,” sabi ni Lotlot.
“So, hindi ko alam kung tama ba ‘yung ginagawa ko na pangaral sa kanila. Kasi lahat ng klase ng usap, minsan umiiyak na ako, nakikiusap, tumatawa, pero sometimes, it doesn’t work. So, nagtataka ako. Bakit sa mga anak ko, nagwo-work, pero sa mga kapatid ko hindi?” pag-amin pa niya.
Samantala, kasalukuyang nasa Amerika si Lotlot at ang dalawang direktor ng kanyang pelikula na sina Dexter Hermadez at Allan Ibañez to compete sa 50th World Fest-Houston International Film and Video Festival saTexas. Sa April 26 naman ang nationwide showing ng pelikula sa ‘Pinas.
Kasama ni Lotlot sa movie na tumatalakay sa relasyon ng isang ina sa kanyang mga anak na lalaki ang mga baguhang aktor na sina Darwin Yu, Miguel Bagtas, at Sebastian Vargas, Jr.