VERY PROUD daughter si Lotlot de Leon, panganay na anak ni Nora Aunor sa pagkilalang ibinigay sa kanyang ina bilang National Artist for Film. Ang National Artist award ang itinuturing na highest recognition given to Filipino individuals who have made significant contributions to the country’s art and culture.
“Oo, proud. Everyone is… We are all proud of her. Her family is very proud of her,” pagmamalaki ni Lotlot nang maging panauhin siya sa Magandang Buhay hosted by Jolina Magdangal and Melai Cantiveros nitong July 8, 2022.
Ginanap ang pormal na pagbibigay ng parangal kay Nora at sa pito pang honorees ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Malacanang Palace noong June 17, 2022. Pero dahil sa isang karamdaman ay hindi nakadalo dito ang Superstar. Ang mga anak ni Nora na sina Ian de Leon, Matet de Leon, Kenneth at Kiko ang present sa National Artist conferment para i-represent ang Superstar.
“My mom is grateful for the award na ibinigay nila sa kanya. At grateful lang. Beyond words,” sabi pa ni Lotlot.
Ikinalungkot ng marami na hindi si Nora ang tumanggap ng kanyang plake noong June 17 pero after nung mga sumunod na araw ay nagawa na niyang magpunta ng Malacanang para personal na pasalamatan si Pangulong Duterte.
“So, maraming salamat lang sa lahat ng nagtitiwala, sa lahat ng nagmamahal hanggang ngayon. Sa lahat ng ipinaglalaban si Mommy. So, maraming salamat sa inyong lahat,” pahayag ng aktres.
Bukod sa pagkilala kay Nora bilang National Artist for Film ay ikatuwa rin ng mga Noranians at ng netizens na natapos na ang matagal nang alitan sa kanilang dalawang mag-ina.
In fact, si Lotlot pa nga ang nagbantay kay Nora habang naka-confine ito sa ospital.
Nananatili namang tahimik ang panganay na anak ni Nora sa pagbibigay ng detalye kung paano sila nagkabati ng Superstar.