MASAYA ang mga bida ng Cinemalaya film na Edward na sina Ella Cruz at Louise Abuel na magkakaroon ng theatrical release ang kanilang critically-acclaimed movie. Ire-release ng Viva Films ang Edward at mapapanood ito sa mga sinehan simula Oct. 2.
Louise is only 15 years old, pero sa Edward ay napasabak agad siya sa kissing scene with Ella. Ano ang naging pakiramdam niya dito?
“Hindi ko po alam ang feeling, hindi ko po alam ang nararamdaman ko nu’ng oras na yun,” natatawang sagot ng binatilyo.
Hindi rin niya maipaliwanag kung nasarapan ba siya o may kakaibang naramdaman habang hinahalikan ni Ella?
“Ah, okey. Yon pala ‘yun. Kasi hindi ko po talaga alam kung anong mararamdaman ko kasi halu-halo po. Kasi siyempre iniisip mo na trabaho lang ito. Kailangang gawin para sa art at sa pelikula. Ewan, hindi ko po talaga alam ang mararamdaman ko,” dagdag niyang pahayag.
Kuwento pa nga ni Ella, pagkatapos daw kunan ang naturang eksena ay napansin niyang natulala si Louise.
“Parang nakakailang lang, kasi nahiya po ako kay Ate Ella,” rason pa ni Louise.
Pakiramdam din daw ni Louise ay binata na siya at matured na nung ma-experience niya ang first kiss on and off screen kay Ella sa Edward.
“Wow, lalaki na ako, matured na ako. Ha-ha-ha!” reaksyon pa niya na natatawa.
Samantala, ang Edward na sinulat at idinirek ni Thop Nazareno ay tinaguriang “coming-of-age movie” na sumasalamin sa healthcare system at sa government-funded hospitals sa Pilipinas. Ipinakikita ng pelikulang ito ang katotohanan na sa halip na maging komportable ang mga may sakit, ang kakulangan sa mga medical staff at ang mga sirang kagamitan ay mas nagpapahirap sa kalagayan ng mga pasyente at sa kanilang mga bantay.
La Boka
by Leo Bukas