MADALING NAPAGHANDAAN ni Louise delos Reyes ang kanyang role bilang isang mermaid sa Kambal Sirena. Mas nangibabaw raw kasi ang excitement at challenge sa kanya kaugnay ng bagong seryeng ito na kanyang pagbibidahan sa GMA 7.
“Dati kasi, takot talaga ako sa tubig,” aniya. “Pero ngayon na-enjoy ko na. Masarap din pala sa tubig. Na nakapag-e-exercise ka at the same time kapag lumalangoy. Kumbaga, parang nai-exercise din ‘yong breathing mo. Healthy lifestyle din ‘yong pasu-swimming.”
Kahit meron siyang hydrophobia, hindi raw nagdalawang-isip si Louise na tanggapin ‘yong role bilang isang mermaid.
“Hindi laging nangyayari sa isang artista na mabigyan ng magandang break. At isang malaking proyekto ito ng GMA, so ayoko naman na magpatalo sa takot ko lang. So, in-overcome ko ‘yong fear ko sa tubig. And tinulungan din naman ako ng production para ma-overcome ko ‘yon. Talagang tinutukan ako sa training. And nag-pay attention ako sa lahat ng ipinapagawa nila sa akin. Nag-training ako ng scuba diving kay Sir Jess Lapid Jr. Tapos nag-workshop din ako sa acting under Sir Pen Medina and Miss Ana Feleo .”
Si Anne Curtis, gaganap namang Dyesebel sa bagong fantaserye ng ABS-CBN. Hindi ba napi-pressure si Louise na parang silang dalawa nga ang pagtatapatin?
“Ako kasi ano, eh… ayokong i-entertain ‘yong mga pressure ng ibang tao. Napi-pressure ako sa sarili ko. Na baka hindi ko ma-meet ‘yong expectation ko sa sarili ko. Kasi ayokong magpaabala sa kanila na magpapaapekto ako. At the end of the day, lalaban pa rin ako. Sisikapin kong pagbutihin lagi ang trabaho ko.”
Bukod sa pagiging sirena, malaking challenge din daw kay Louise na kambal kasi ang character na gagampanan niya.
“Mahirap mag-portray ng dual character. ‘Yong mermaid role pa nga lang, mahirap na, dadalawahin mo pa. Pero kaya ‘yan!” sabay ngiti pa ni Louise. Tinutulungan naman ako nina Direk Dondon Santos para magkaroon ng variation ‘yong mga nuances ng dalawang characters ko. Basta, excited akong mag-taping.”
Normally kapag mermaid role, medyo daring o sexy ang dating. Wala naman daw kaso ito para kay Louise.
“Siyempre ang mermaid, trademark na niya ‘yong sexy. Pero inosente pa rin siya. So, tutulungan din nila akong i-play ‘yong character ko with innocence and sexiness at the same time.”
Sa trailer ng serye, may eksenang naka-two piece si Louise. Anong feeling niya nang i-shoot iyon?
“Challenge din sa akin ang pagtu-two piece. Kasi hindi ako sanay!” nangiti ulit ang Kapuso actress. “Kahit nagbi-beach kasi ako, hindi naman ako nagtu-two piece, eh. Shorts lang ako.”
This time, ready na rin kaya siya for a sexy pictorial sa isang men’s magazine?
“Titingnan ko. Titingnan pa rin. Depende sa lay out siguro o sa concept. I am not closing my doors. Hindi naman ako nagsasabi na ayaw ko. Tingnan natin. So far, wala pa namang nag-u-offer ng gano’n sa akin. Wala pa naman. Siguro ang tingin pa rin nila sa akin… bata!” sabay tawa niya.
Si Aljur ang leading man ni Louise sa serye. Excited daw siya sa kauna-unahang pagkakataon na magiging magkatambal sila.
“Wala pa akong one on one workshop with Aljur. Pero nakapag-workshop na kami kasama ang buong cast. Ako naman… I’m friends with Aljur. And nakikita ko naman na hindi ako mahihirapan since may background naman kami sa isa’t isa. At kapag artista ka, kailangan mo namang mag-adjust agad-agad, eh. Hindi naman kailangang tumagal bago mo makilala ang makakasama mo sa trabaho,” sabi pa ni Louise.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan