Masayang-masaya ang GMA prime artist na si Louise delos Reyes sa pagkakaroon ng bagong teleserye sa Kapuso Network katambal si Juancho Trivino
Sa wakas daw ay meron na muling bagong proyekto ang isa sa maituturing na mahusay na teen actress sa GMA 7. Matagal-tagal ding nabakante si Louise at mas pinili na lang magbakasyon sa ibang bansa habang naghihintay ng kanyang bagong proyekto.
Mabuti na nga lang daw na sa pagbabalik nito sa bansa mula sa ilang buwang bakasyon sa Amerika ay may naghihintay na palang bagong proyekto sa kanya.
Kaya naman daw sobrang saya ngayon ni Louise delos Reyes, dahil meron na naman siyang bagong soap na mapanonood ng kanyang loyal supporters.
Meg Imperial, enjoy sa pagho-host sa games show
VERY THANKFUL ang Viva prime artist na si Meg Imperial sa TV5 at sa kanyang management dahil isinama siya sa Sunday variety/ game show na Happy Truck HapPinas.
Mas nahahasa raw kasi ang hosting skills niya sa nasabing palabas. Bukod sa hosting skills, nagagamit din dito ni Meg ang iba pa niyang talento like singing at dancing.
Nag-e-enjoy nga raw ito sa nasabing show dahil kasama niya ang mga dekalidad na hosts sa bansa na sina Ogie Alcasid, Gelli de Belen at Janno Gibbs, na alam niya marami siyang matututunan.
Center For Musculoskeletal Science -Asia malaking tulong sa Pinoy athletes tulad ni Manny Pacquiao
NAPAKAGANDA NG hangarin ng sikat na doktor na si Dr. Isagani Leal kaya niya itinatag sa Pilipinas ang Center For Musculoskeletal Science-Asia ( CMS-Asia ). Ito ay para tulungan ang ating Filipino athletes to gain competitive leverance amongst other players in the other countries.
Si Dr. Isagani Leal ay isang distinguished Filipino surgeon who had specialized trainings in sports rehab in US and Israel. Naniniwala siya na mas palalakasin ang ating mga atletang nagkaroon ng injuries sa paggamit ng kanilang modern and one of a kind equiptment sa bansa.
Ang CMS-Asia ay isang Ultimate Center para sa treatment ng Musculoskeletal Pains , Spinal Problems, and Sport Injuries. At ang Mission nito ay “Hand in hand for a pain free society.
Habang ang Noble Objectives naman nito ay: 1. to boost the productivity of our clients by enjoying a pain -free working environment; 2. To liberate patients.
Ang ganitong revolutionary training method ay 5 yrs nang ginagamit sa USA, Canada, Germany, at maging sa karatig-bansa sa Asya like Thailand, Korea, at Singapore.
Very affodable ang services na ino-offer ng CMS- Asia na P11,000 plus in two months na halos 180 lang per day lumalabas, pero ito raw ay libre para sa mga Pilipinong atleta.
Gusto nga ni Dr. Isagani na i-try at bisitahin din ito ng Pambansang Kamao at running for senator na si Manny “Pacman” Paquiao nang sa ganu’n ay masubukan nito ang kanilang services at one of a kind equiptment at baka raw mag-sponsor ng iba pang equiptment para sa ating mga atleta.
Ang CMS-Asia ay matatagpuan sa 3rd floor ng Hollywood Square Bldg., West Avenue, Quezon City .
John’s Point
by John Fontanilla