MARY GRACE Perido sa tunay na buhay. Lumahok sa maraming beauty contest at events tulad ng Ms Teen Philippines International ng Luzon 2007, Ms. Teen Super Ferry 2007 at Ms. Jag Teen 2007 simula ng siya ay 15 taong gulang. Napanood din siya GMA-7 youth-oriented program na Tween Hearts, Pilyang Kerubin at Reel Love Presents. Sa kanya naman ang lead role GMA-7’s Dramarama sa Hapon na Alakdana. Naging lead actress din siya sa indie film na Agaton and Mindy ni Direk Peque Gallaga. Siya si Louise delos Reyes. Isang teenage girl na walang kaabug-abog na sasagutin ang mga tanong mo. Meaning to say, walang kiyeme sa mga tanong ko sa kanya at hindi mahirap kausap. Bagamat ‘andun pa rin naman ang kanyang ‘Emah’ (Mother) na nakabantay sa kanya for Parental Guidance. Naks! Well, oo, nga naman at bata pa naman si Louise. Marami pang dapat bunuin sa buhay-dalaga at bilang sumisikat na artista.
Ah, ilan kayong magkakapatid? “Ah, tatlo po kaming magkakapatid. Ako po ang only girl. Bunso po ako.
‘Yung mommy mo nakabantay rin, tapos ‘di naman mahigpit, ‘di ba? “Hahahha! Opo. Ah, ‘yung mga dalaw sa akin eh, lalagyan ‘nya ng schedule. Halimbawa, MWF o TTH, kung 5-6 pm.” Hahaha! Naks, okey ‘yun, ah! “Strict sila, pero ok naman sa akin, kasi tumatanggap naman ako ng manliligaw kaysa naman sa tumatakas ako.”
Kitam! Sinasabi niya ang gusto niya kahit kaharap ng ‘Emah’ niya. Ano, kapag nagsa-shopping ka ba, ‘pag gusto mo, binibili mo kaagad? “Ah opo, kapag may gusto ako, bibilhin ko kaagad, kasi minsan babalikan ko, wala na. Lalo na kung sapatos, kasi ‘yung size ko mahirap hanapin. Size 5’ ako.” Ako naman pinaspasyal-pasyalan ko, one day nakukuha ko na. “Ah siguro po iyong mga mahal.” Ah, bagay nga, tama ka ‘dyan.
Ah, anong mga hobby mo? “Ah hobby ko po? Matulog! Hehe… Ah, anu-ano lang eh, web designing, tapos drawing, ‘yun lang. Mahilig ako sa arts.” Grabeh ka, ugaling artist ‘yan Louise! ‘Yang matulog, pagkatapos ng mga trabaho pero tutok naman sa oras ng trabaho. Mga 5 to 10 years from now, ano pa ang mga plano mo sa buhay? “Ako gusto ko talagang mag-quit sa showbiz, mag-stop, kasi gusto kong mag-pursue sa studies. Kasi I want to take up Law. Tapos, I want to put a business na long-term.”
Ah, mataas nga ang kanyang pangarap, ah. Bagay na ang isang artist talaga, maraming ginagalawan ito at may maka-artistikong pangarap sa buhay. Bukod dito, ano pa ang mga projects mo? “Ah, nagkaroon po ako ng pelikula nitong December, ‘yung Shake Rattle and Roll, kasama ko po si Kathryn Bernardo roon sa ‘Parola’. Meron po akong soap this year, primetime po ‘yun, makakasama ko si Dingdong Dantes.” Ah, sino ba ‘yung male crush mo? “Ako, I’m close to Enzo Pineda po.”
Ah, mabait ‘yung si Enzo at kilala natin iyan. Uhmm… tiyakin natin. Ano, dinadalaw ka rin ba n’ya? ‘Di nga? “Opo, madalas po niya akong dalawin.”
Alam ba natin kung saan? Nabanggit niya sa akin na sa may parteng Calamba, Laguna pa. Usisain pa natin at kulitin. Ano, nagpapahiwatig na? “Sabi n’ya nanliligaw raw siya.”
Paano kayo magbiruan, nagbabatukan? (hehehe…) “Hindi naman. Hihihi!” Ah,nagpipingutan ng ilong? “Madalas niyang pinipingot ‘yung ilong ko.” Hahaha! Sabi ko na nga ba. Saan mo siya madalas pinipingot? (hehehe…) “Sa ilong din. Hihihi!” Ah, haha! Kaya pala matangos ang ilong mo Louise. Ang tawag sa larong ‘yun pingut-pingutan ng ilong.
Mabait na bata itong si Louise. Bagamat prangka, ‘di snob at nakakawili ding kausap. Sa tingin ko lang hah, malayo ang mararating nito bilang alagad ng sining. Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For e-mail: [email protected], [email protected], cp. 09301457621
Ito ang Larawan sa Canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, e-mail: orobiakpp[at]yahoo.com and/ or maestrorobiaparazzi[at]yahoo.com.
ni Master Orobia