NAKATUTUWANG INTERBYUHIN itong si Lourd Ernest de Veyra, sobrang matalino at genius talaga. And down to earth, too. Imagine, he was not ashamed to admit na sobrang affected siya sa isang One Direction fan na nag-threat sa kanya.
“Ang threat lang na nagkaroon ako ay galing sa fan ng One Direction. Sabi ko, ‘1D, One Damo’ kasi ‘di ba nahuli sila sa van? Galit na galit sa akin (ang fan) Me isang nag-threat sa akin. Sabi niya, ‘alam ko kung saan ka naninigarilyo sa labas ng TV5 sa umaga. Bubuhusan ko ng asido ang mukha mo,’ gano’n (ang threat niya),” chika ni Lourd sa pocket presscon for him ng Kapatid network.
Sa sobrang seryoso ng threat ay “kailangan kong mag-log off sa social media nang isang linggo”.
“Lahat na ng masasakit na salita na puwede kong ma-imagine sa sarili ko (ay sinabi na sa akin),” say ng TV5 news anchor, radio, and TV host.
Pero noong ikatlong araw na ay naka-recover na ang matalinong news anchor.
“Nakatutuwa kasi parang bubuhusan ka namin ng asido sa mukha tapos titingnan mo ang profile pic. Dyusko, puwede ko nang maging anak ito, ah,” say niya.
Ang feeling niya ay mas nakakatakot kung siya ay isang “radio anchor sa isang maliit na probinsiya.”
“Kung ganoon, mas delikado. ‘Yun tutuluyan ka talaga roon, eh. Dito, hindi, wala,” sabi pa ng Best Male News anchor awardee from the 13th Gawad Tanglaw Awards.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas