KUNG inaakala niyo na puro pagpapasexy lang ang pelikulang ‘The Annulment’ nina Joem Bascon at Lovi Poe, nagkakamali kayo. It’s more than that.
Ang ‘The Annulment’ ay isang pelikula na tumatalakay sa pinagdadaanan ng mag-asawang nagdesisyon na ipawalang-bisa ang kanilang kasal. Unfortunately, dito sa Pilipinas ay pahirapan ang pagpapa-annul ng kasal. Kung wala kayong ideya, in a way ay ipapakita ng pelikula sa inyo kung anu-ano ang different grounds for annulment at kung paano ito ka-financially, physically and mentally exhausting.
Ang maganda sa pelikula ay ipinakita rin nila kung paano nagkadebelopan sina Sherwin (Joem Bascon) at Gari (Lovi Poe). Tila naging mabilis ang desisyon nila na magpakasal without planning. Bago magpakasal, mas mainam kung pareho kayong stable sa lahat ng aspeto ng buhay.
S’yempre, nabanggit din ang infidelity na madalas na rason kung bakit naghihiwalay ang magkarelasyon. Nandyan din ang mental capacity ng mga taong involved. Naging handa ba talaga sila bago magpakasal? Sino ang nagtatrabaho para sa pamilya? Napansin ko na may mga reaksyon ang ibang audience members na nanonood na mostly ay in their 40’s above.
Effective ang portrayal ni Joem Bascon bilang Sherwin. Kahit na in the bigger picture ay ang karakter niya ang may ‘biggest fault’, maaawa ka pa rin sa kanya at may simpatya ka. May mga tao talaga na tulad ni Sherwin na kahit ipilit nila na baguhin ang kanilang kapalaran ay may mga tukso na nagpapahina sa kanila.
Given na magaling talaga si Lovi Poe. Maliban sa pagiging matapang sa pagtanggap ng proyektong ito with all the love scenes na kailangan niyang gawin, ipinakita niya ang pagiging independent at career-driven ni Gari naturally. Hindi pilit.
Mararamdaman mo rin ang comfort and trust sa pagitan nina Joem at Lovi habang pinapanood ang pelikula. Maniniwala ka talaga na sila’y in love and later on ay may resentment na sa isa’t isa.
Matagal-tagal na rin hindi gumagawa ng mainstream film si Mac Alejandre and this is a good comeback film. Nakakamiss din ang mga sexy-drama films na malaman na trend noong 80’s. Naalala ko tuloy ang mga pelikula nina Lorna Tolentino, Gina Alajar, Vilma Santos, Rio Locsin at Alma Moreno during their prime.
Showing na ang ‘The Annulment’ in more than 100 cinemas nationwide.