BONGGA talaga ang bagong digital movie ng iWant na ‘Love Lockdown’. Maliban sa shinoot nila ang nasabing pelikula habang naka-implement ang Enhanced Community Quarantine o ECQ, ang mga bida rito ay ilan sa mga brightest stars ng ABS-CBN tulad nina Angelica Panganiban, JM de Guzman, Jake Cuenca, Kylie Verzosa, Arjo Atayde, Tony Labrusca at Sue Ramirez.
Bale divided into three stories ang ‘Love Lockdown’ na kontektado sa isa’t isa ang mga characters. Sa first part ay ang illicit affair ng isang seksing wedding planner (Kylie Verzosa) at married architect (Jake Cuenca) nakafocus ang istorya. In real-life ay magkasintahan sina Jake at Kylie kaya hindi na nakakapagtaka kung napapayag si Kylie na magpasexy at makipag-love scene sa kanyang nobyo onscreen.
Bagay na bagay sa kanya ang karakter niya bilang isang mapanuksong kabit na sa sobrang pagkadesperada ay ipinaalam sa legal na asawa (Angelica Panganiban) ang sexy videos nila ng nobyo. May twist sa karakter ni Kylie rito na first time makikita ng mga manonood.
Sa second part naman ay sa That Thing Called Tadhana lead stars na sina Angelica Panganiban at JM De Guzman nakafocus ang kuwento. Habang aburido sa ginagawang kalokohan ng asawa while on lockdown ay magkakaroon ito ng special
friendship sa misteryosong kapitbahay (JM de Guzman). Ano nga ba ang intention nito?
Pinaka-paborito ko ay ang third act kung saan isang paid troll ng mga pulitiko ang role ni Sue Ramirez na magkakaroon ng online admirer na isang hunky businessman (Tony Labrusca). Magkakaroon ng ‘virtual date’ ang dalawa at para patunayan
ang kanyang ‘identity’ ay nagpadala ng masarap na lollipop ang karakter ni Tony kay Sue na sarap na sarap nang tikman ito habang pinapanood siya sa video call. Dinila-dilaan ni Sue ang lollipop ni Tony na ikinatuwa naman ng huli. Ito ang ginagawa nila
habang sila’y naglalandian while on lockdown, na siguradong ginagawa ng maraming taong malungkot ngayon sa bahay, huh!
Nakakaloka rin naman ang pagpasok ng karakter ni Arjo Atayde rito at in fairness, may chemistry silang tatlo, huh? Bakit hindi kaya nila pagsamahin ang tatlo in another digital series or an ABS-CBN teleserye once maayos na nila ang kinakaharap na issue?
Congratulations sa iWant at sa apat na direktor ng pelikula na sina Andoy Ranay, Darnel Villaflor, Noel Escondo, and Emmanuel Palo. Napakahusay! Clap, clap, clap para sa inyong lahat! Ang ‘Love Lockdown’ ang kauna-unahang Pinoy movie na shinoot at kinumpleto habang naka-quarantine ang Metro Manila.
Panoorin na ang ‘Love Lockdown’ sa iWant dahil hindi masasayang ang oras ninyo!