THE LONG WAIT OVER! Pagkatapos ng mahigit isang taon ay maipapalabas na rin sa wakas ang much-awaited movie team-up ng Kapamilya award-winning stars na sina Angelica Panganiban at Coco Martin na ‘Love or Money‘.
Matagal nang inaabangan ng fans ang tambalang ito. Parehong kilala sa kanilang husay sa drama at komedya sina Angelica at Coco kaya naman sabik ang mga tao na makita sila na magkasama. Matagal-tagal na rin hindi gumagawa ng romance-comedy o romcom si Coco Martin dahil napako na rin siya sa mga action films na ginagawa niya tuwing MMFF season (na obviously ay absent sa line-up last year).
S’yempre, hindi rin madali na gumawa ng pelikula on Coco’s part in the previous years dahil na rin sa walang kamatayang FPJ’s Ang Probinsyano. Maganda na makita naman natin siya in a lighter type of film. Kung hindi kami nagkakamali, ang ‘You’re My Boss’ na nila ni Toni Gonzaga ang huling romcom film na nagawa nito.
On the other hand, active on both TV and films si Angelica. Ongoing pa rin ngayon sa Kapamilya ang teleserye niyang ‘Walang Hanggang Paalam’ with Paulo Avelino, Zanjoe Marudo and Arci Munoz. Sa pelikula naman ay huli itong napanood on the cinemas sa heavy drama film na ‘Unbreakable’ with Bea Alonzo and Richard Gutierrez. Sa digital naman ay isa ito sa mga bida ng ‘Love Lockdown’ ng IWantTFC.
Partly shot in Dubai, ang ‘Love or Money’ ay kuwento ng dalawang Pilipino na may magkaibang prinsipyo sa buhay. Ang isa ay mas priority ang pag-ibig habang ang isa naman ay mas gustong unahin ang pagkakaroon ng magandang buhay.
Pagkatapos ng ilang taon ay magkukrus muli ang kanilang landas sa Dubai. Ang isa ay nagpupursige bilang isang OFW na may stable job habang ang isa ay naging ‘sugar baby’. Interesting and light ang konsepto ng pelikula. Sa totoo lang, kailangan natin ng mga ganitong klaseng Pinoy romcom ngayon. Awat na muna tayo sa mga hugot at seryosong pelikula, puwede?
Ipapalabas na ang ‘Love or Money’ sa March 12 on KTX.ph, iWantTFC, TFC On Demand, Cignal PPV, and Sky PPV for only P250 per ticket!
You can also avail the early bird promo for only P200 per ticket if you purchase before March 12.
Who knows, baka ito rin ang kauna-unahang pelikula na ipalabas sa napipintong pagbukas ng mga sinehan sa Metro Manila?