Ibang Derrick Monasterio at Sanya Lopez ang mapapanood sa pelikulang Wild and Free as each of them embrace a more mature and sexier image sa pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na idinirek ni Connie Macatuno.
Hinubad na ng dalawa ang kanilang wholesome image in the film project dahil ni-require sila ng direktor to to do “wild” love scenes.
Sanya admits that she prepared even before they had their first intimate scene inside the car.
“Hinanda ko na ang sarili ko dito, gustung-gusto ko yung natututo ako and nag-i-improve” kuwento niya.
Komportable rin daw ang dalaga kay Derrick at wala siyang keber na pag-usapan at gawin ang kanilang intimate scenes.
Wika pa niya, “Okay ako kay Derrick kahit anong gawin at pag-usapan namin. Kahit dirty talks I can discuss with him because we are both naughty, we are both wild and free. Matagal na kaming magkakilala at mas nagkakilala pa kami.”
Ayon naman kay Derrick, “realistic” daw kung ide-describe ang kanilang love scenes ni Sanya sa Wild & Free.
“Makikita ninyo sa mga eksena namin sa movie, the love making scenes are so sexy, i think nagawa namin ‘yun together ng maganda” pahayag ng aktor.
Patuloy na paliwanag ni Derrick, “Sanya has a sexy character, has seductive eyes and is alluring. Tempting talaga because she has a very pretty face and sexy body.
“Siyempre tayong mga lalaki, tinitingnan natin yan. Naaakit tayo sa physical, then susunod na yung character. Na-attract talaga ako. Hindi na ako nahirapan na gawin sa kanya yung mga eksena, kasi nadala ako sa sexy scenes namin.”
Palabas na ang Wild and Free sa October 10.
La Boka
by Leo Bukas