SA ISANG pamosong singing contest ng GMA 7 na Protégé naging interesante ang buhay ni Lovely Embuscado dahil taas-noo niyang ipinagmalaki na galing siya sa hirap. Naikuwento rin ng dalaga na nahasa ang galing niya sa pagkanta habang nag-aalaga ng baboy. Sa contest pa rin nalaman ang kanyang hinaing sa pagkawalay sa ama sa matagal na panahon at nagkita naman sila nang personal sa pamamagitan ng nasabing show.
Natagpuan ko si Lovely sa labas ng SM Mall of Asia Arena noong nakaraang Grand Kapuso Day noong Hulyo 2015. Kasama siya sa nakapila sa labas upang makapasok at makapanood ng event para sa mga tagasuporta ng nasabing istasyon.
Kaya naman, kinumusta ko siya upang alamin kung ano na ang latest update sa kanya at sa kanyang career. Nang lapitan ko siya, hindi naman siya nagdalawang-isip na magpa-interview sa akin. Pero ha, kapansin-pansin din ang kasama niyang binata, tinanong ko nga kung ka labing-labing niya?
Narito ang kanyang pagbibida.
Ah, musta Lovely, sa Channel 7 ka pa rin ba?
“Ah, bale… bale… sa ngayon, nawalan na ako ng project. Bale ‘yung support ko nasa GMA pa rin, pero wala na rin po akong contract.”
Pero, p’wede ka nang freelance?
“Opo.”
Pero, ano ngayon ang pinagkaka-abalahan mo? Posibleng pinagkakakitaan katulad ngayon?
“So, ngayon po nag-aaral po ako.”
Ang galing! Apir! Dati nakikita ko lang kayong mag-ina eh, sa hagdan sa may malapit sa GMA. Ano ba ang nakuha mo nang maging celebrity ka? Ano ang naidagdag nito sa buhay mo?
“Ah, marami pong nabago. Dati wala po akong masyadong alam sa sarili, wala po akong confidence sa sarili. Kahit papaano ngayon, nagkakaroon po ako ng lakas ng loob.”
Eh, ‘di nagkaroon ka na rin ng lakas ng loob na magka-boyfriend? Uiiiy! Haha! Ah… may boyfriend ka na ano?
“Ha? Hahaha! (sabay apir sa akin). Ah, wala po, hahaha! Bestfriend ko lang po siya!”
(Sabay hagod ng tingin ko sa kasama. Guwapo ha!) Baka naman dahil kilala ka kaya lumalapit sa ‘yo. Tapat ba naman siya?
“Ah, oo naman po, tapat naman po.”
Paano ka niya binibigyan ng bulaklak?
“Ah, hindi po niya ako binibigyan ng bulaklak. Hehehe!” bungisngis ni Lovely.
Ah, kahit itim na bulaklak hindi ka niya binibigyan? Hehehe!
“Ah, hindi po, ‘yung pillow lang po. Hahaha!”
Ano ang gusto mong mangyari pa bukod sa pagiging celebrity singer? Puwede ka bang mag-artista, gusto mo bang maging comedian or ano? Nangangarap ka ba nang ganun?
“Opo. Lahat gusto kong gawin.” Tumigil ka, huwag! Haha! Dagdag ko.
Ah, siguro wala lang nakaaalam, basta ang alam ko, isa ka lang singer. Hindi ko alam na para ka rin palang si Melai. Nakita mo na ba si Yaya Dub? Bigla ano? Kaya mo ba ;yon? Sige, sample ka at ilalabas ko sa YouTube ‘yan.
“Ay, wala palang boses. Ako po si Yaya Dub, kayo ang boses. Hahahaha!” ani ni Lovely.
Oh, sige, ako ang boses: ‘Yaya, babala, asawa ni Babaluuu!’ (dubsmash ni Lovely, ako ang boses) Hehe. Puwede.
Bukod diyan ano talaga ang gusto mo, dramatic, action o mas gusto mo, comedy?
“Ah, mas gusto ko pong comedy, dramatic kasi mahirap buhay ko, may pagka-dramatic na nakakatawa siya na nakakaiyak.”
Importante naman iyon, eh. Puwede mo ba akong bigyan ng comedy na easy mo lang ide-deliver?
“Hump! Hahahah! Bata ako dati na walang tsinelas… kakanta na lang po ako … I don’t want to close my eyes… I don’t wanna miss a thing!” kumanta nga si lovely pati ibon nagliparan patungo sa kanya at nakinig. Hahaha!
Galing, galing! Ano ang natapos mo ngayon?
“High school po, tapos magka-college po ako.”
Importante ha magpatuloy ka ng pag-aaral, savings at business. Kita uli tayo after 5 years at tiyak na maunlad ka na.
Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.
For comments and suggestions, email: [email protected], cel. no. 09301457621.
Larawan sa Canvas
By Maestro Orobia