MARAMI ANG nakakakita na palaging magkasama ang mahusay na actor na si Cesar Montano at ang sinasabing bagong love interest nito na si Loven Canon , simula raw nang magkakilala ang dalawa ay hindi na nagkahiwalay ang mga ito sa lakaran.
Balita pang lagi ring napagkikita si Loven sa Bellisimo na pag-aari ni Cesar, kung saan may mga pagkakataon pa nga raw na kinakantahan ni Cesar si Loven ng ‘Bakit Ngayon Ka Lang’, bukod pa sa mga regalo ni Cesar sa dalaga like libro. At minsan na ring ipininta ni Cesar ang mukha ni Loven at ibinigay ito sa napakaputing host/actress.
Katulad ni Sunshine Cruz at Krista Miller, maputi at may mala-labanos na kutis at maganda si Loven. Kaya naman siguro hindi nga malabong magkagusto si Cesar dito. Bukod pa sa very sweet, mula sa buena pamilya at matalino ito.
NATATAWANG IKINUWENTO ng magaling na host/comedian na si Arnell Ignacio na sumungaw at nakita raw ng mga tao ang kanyang nota sa kanilang musical play na Full Monty na pinagbibidahan ni Mark Bautista na hangang sa May 5 na lang mapapanood sa Carlos P. Romulo Auditorium ng RCBC Plaza, Makati.
Bukod sa pagiging host/singer at comedian ay pinasok na talaga ni Arnell ang pag-arte at dito nga sa Full Monty ay maraming napahanga si Arnelli dahil sa galing nitong umarte, kung saan ginagampanan nito ang bestfriend ni Mark, kasama ang isa pang mahusay na stage actor na si Jamie Wilson.
Pagbibiro nga ni Arnell na willing daw siyang mag-all the way for the sake of arts. Gusto raw talaga nitong umarte kaya naman daw kahit may pagpapakita ng kanyang hinaharap ang kanyang latest Musical Play ay tinanggap pa rin nito, dahil maganda naman daw ang project at maganda ang role niya rito.
Hindi naman daw siya mapapahiya sa makakakita ng kanyang talong dahil may ipinagmamalaki naman daw siya, kaya naman daw okey lang siyang masilipan ng mga manonood. Makikita lang naman daw ito, pero hindi naman daw mahahawakan o mapipisil-pisil. Hahaha! Pagbibirong pahayag ni Arnell.
BUSY AS a bee ngayon ang grupong UPGRADE na kinabibikangan nina Kcee Martinez, Rhem Enjavi, Raymond Tay, Armond Bernas, Miggy San Pablo, Mark Baracael at Ron Galang.
Sunud-sunod nga ang proyekto ng tinaguriang Twitter Cutties mula ngayong araw May 3, may taping ang mga ito ng Walang Tulugan with the Master Showman; May 4, LSFM show sa Dela Paz, Pasig at sa Brgy. Lapaz sa Makati City; May 5 sa SM Pampanga; at sa May 26, Grand Music Palace Philippines sa PETA.
LUMUHA ANG dalawang haligi ng industriya na sina German Moreno at Nora Aunor sa katatapos na concert ni Gerald Santos na ginanap sa Music Museum last April 30. Unang naluha si Ate Guy nang awitin ng Prince of Ballad ang medley of songs ng nag-iisang Supertar.
Naluha naman si Kuya Germs nang awitin ni Gerald ang paborito nitong kanta, ang Hanggang. Kitang-kita namin ang labis na kasiyahan kina Kuya Germs at Ate Guy sa tribute na ibinigay ng mahusay na pang-aawit sa kanila. Kung ilang beses ngang nag-standing ovation ang mga ito sa tuwing aawit si Gerald. At hanggang sa kahuli-hulihang awit ni Gerald ay nandoon ang dalawang haligi ng industriya.
Habang naging espesyal na panauhin ni Gerald sa kanyang concert sina Joel Mendoza, Raymond Manuel , Sophia at ang Dance Squad Dancers.
John’s Point
by John Fontanilla