OKEY BA ang relasyon ni Mary Grace Poe sa mga kapatid niya? Just asking dahil never ko na narinig ang senatorial bet na binanggit ang pangalan nina Lovi at Ronian na mga kapatid niya sa ama.
Noong namaalam si Da King, nakilala ng sambayanan ang dalawa pang mga anak niya sa ibang babae.
May mga bulung-bulungan pero walang nagtanong nang diretsahan. May mga paramdam pero wala nagtangkang umurirat kung kumusta ang dalawa sa paningin ni dating MTRCB Chairwoman Mary Grace Poe.
Ang alam nga namin, si Mary Grace lang ang anak ni FPJ bago pa man nabuo ang relasyon nila ng dating artista na si Ana Marin na nagluwal ng isang Ronian Poe na ngayon ay isang magaling na tattoo artist.
Sa Lamay noon sa Sto. Domingo Church sa Quezon City, lumitaw at nagpakilala si Lovi na isa ding anak ni FPJ.
Marami ang nagulat. Marami ang nagtaka kung kaninong anak si Lovi pero nanahimik na lang ang karamihan. Si Ronian kasi ay nabuo sa open secret na relasyon ni Da King kay Ana Marin, pero wala na lang umurirat at idinaan na lang sa pagtanggap ng papikit (without questions).
Now that Mary Grace is very visible sa kanyang campaign sorties; people are asking kung kasama niya si Lovi who is a popular celebrity dahil they are expecting her sister to support her. Si Ronian naman, hindi man itinuloy ang pangarap na mag-showbiz, may mga nagtatanong, bakit hindi tumutulong ang mga kapatid niya sa ama sa ate nila gayong tulad ni Lovi who is a popular showbiz personality, malaki ang hatak nito during campaigns at pagsampa sa entablado tulad ng tradisyonal na pangangampanya na may artistang bitbit ang mga pulitiko para makahatak ng tao para may making sa kanila.
If I’ll be given a chance, hindi ako mag-aalinlangang tanungin si Mary Grace kung bakit ganu’n. Sayang kasi, Lovi will be a big help kung saka-sakali.
Just wondering, are the half-sisters really that close sa isa’t isa o ang lahat ng nakita noon ng publiko during the death of FPJ ay isa lang palabas?
FAN KAMI ng show ni Korina Sanchez na Rated K sa Kapamilya Network. Tulad noong panahon na may show pa si Ate Luds (Inday Badiday for you); peg ng weekly Sunday show ni Korina at daily show ni Badiday ang Eye to Eye sa GMA-7 kung saan isa kami sa mga writers noon.
Kaya nga impressed kami sa research team ni Korina para mahagilap ang mga “totoong tao” na inspiration para sa mga manonood niya. From the babaeng ipinaglihi sa alimango hanggang sa mga taong nagsumikap para maiahon ang buhay sa kahirapan at naging bilyonaryo.
Like the case of Mr. Boy Cruz of Guiguinto, Bulacan na minsang nai-feature na rin ni Madam Korina ang buhay na from the streets of Divisoria ay isa na ngayong bilyonaryo dahil sa pagsusumikap na maiahon ang sarili sa kahirapan.
Got the chance to meet Mr. Cruz kamakailan and we’ve learned his trade secret na gusto niya i-share sa publiko. “No trade secret. It’s just the basic 3 “S”,” kuwento niya sa amin.
The three S are sikap, sinop at suwerte. In short, hard work, pagtitipid at biyaya mula sa itaas.
Kaya nga maging si Korina, na-impress sa buhay niya, or even Mar Roxas.
That’s one thing I like sa mga taong nabibiyayaan ng suwerte, hindi sila maramot. Kung may maitutulog sila sa kanilang kapwa, they won’t hesitate to help in their own little ways.
GUWAPING ANG anak nina Jomari Yllana at Aiko Melendez na si Andrei. Tulad ng ama who is a car racer, gusto rin ng anak na maging tulad ni Jom.
Pero simple lang ang deal ni Jom sa anak, “basta mag-aral siyang mabuti and with good grades”, papayagan niya ang anak na maging car racer in the future. “Sabi ko, ako pa ang magtuturo sa kanya.”
Now, Jomari is back as a professional car racer with his Yllana Racing (YR) team composed of Edgen Dy-Lianco (Technical Director); Rikki Dy-Liancco (Technical Consultant); Art Rodriguez of Artuned & Haltech Philippines(Engine Management & Tuning); Jojo Howard of Leather Plus sa pag-enchance ng kotseng pangarera ng aktor.
Nakita namin ang kotse na gagamitin ng aktor na naka-display sa Manila International Auto Show sa World Trade Center last Thursday.
Kay Jomari namin nalaman na maging ang mga showbiz personalities like Dominic Ochoa at Ryan Agoncillo ay nasa ganitong passion din pala.
Pero sa totoo lang, ang gagara ng mga kotse na pa-ngarera and we know it’s very expensive to have one.
Reyted K
By RK VillaCorta